AGRI, INFRA DAMAGE NI ‘ULYSSES’ P16-B NA

NDRRMC-2

PUMALO na sa P16 billion ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng bagyong Ulysses, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report na nilagdaan at ipinalabas ni NDRRMC executive director Ricardo Jalad, ang pinsala sa agrikultura ay nasa P4,721,378,946 sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Cordillera Administrative Region (CAR), at  National Capital Region (NCR).

Samantala, ang pinsala sa imprastruktura ay tinatayang nasa P11,899,226,676.28 o mas mataas sa P10 billion na iniulat noong Huwebes sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, CAR, at NCR.

Ang mga nawasak na bahay ay nasa 126,786 kung saan 17,200 ang nasa ilallm ng klasipikasyon na “totally damaged” at 109,586 ang “partially damaged”.  PNA

Comments are closed.