BUMABA ang agricultural production ng bansa ng 2.6 percent sa third quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang rate ay bumaba mula sa 0.7% growth sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“It also reflects a deeper decline than the -1.5% in April to June, with all sectors except for poultry logging negative growth for the quarter,” ayon sa PSA.
Ang growth rates ay base sa constant 2018 prices, sabi ng ahensiya.
Gayunman, pagdating sa current prices, ang overall agricultural at fishery produce ay nagkakahalaga ng P446.46 billion, mas mataas ng 5.2% kumpara noong nakaraang taon. Karamihan sa average farmgate prices ay tumaas mula Hulyo hanggang Setyembre, partikular para sa livestock and poultry.
“Crops, which comprise 54% of overall production, logged a 0.2% drop during the three months. While palay (milled rice) output grew by 6.7%, corn production contracted by 18.6%,” ayon pa sa datos ng PSA.
Nanguna ang abaca sa mga pananim na nagtala ng pagbaba sa 21.9%, kasunod ang cabbage sa 18.1% at potato sa 13%. Ang sugarcane ang nagposte ng pinakamataas na growth rate sa 110.8%, kasunod ang pineapple, calamansi at tobacco.
“Livestock production plummeted anew during the period by 15.2%. The sector, which has a 15.3% in overall agricultural output, saw all subsectors except for carabao production plunge. Carabao output grew by 9.5% in the said three months,” ayon pa sa datos ng PSA.
Ang hog output ang nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa 17.8%, kasunod ang goat, dairy, at cattle production.