AGRI-PRODUCTS NG PH PALIT SA FERTILIZER NG IRAN

PLANONG magsuplay ng agricultural products ang Pilipinas tulad ng saging at niyog sa Iran.

Kasunod ito ng courtesy call ni Iranian Ambassador to the Philippines Alireza Tootoonchian kay House Speaker Martin Romualdez na magpapanatili sa matatag na ugnayan ng dalawang bansa.

Ayon kay Romualdez, layunin ng pamahalaan na makapagsuplay ng agri-products sa Iran na ipapalit sa fertilizer tulad ng urea o carbamide na isang organic compound na kailangan ng mga Pilipinong magsasaka.

Nabatid na ang Iran ay kilala sa pagkakaroon ng malaking produksiyon ng fertilizer na inaasahang makatutulong sa sektor ng agrikultura.

DWIZ 882