AGRI TOP PRIORITY NG GOV’T

Finance Secretary Carlos Dominguez III-e

PATULOY na magiging pangunahing prayoridad ng pamahalaan ang pagpapataas sa farm productivity at rural incomes sa layuning maiwasang maulit ang problema sa supply sa bigas at iba pang major food items na nagresulta sa pagbilis ng inflation rate sa second half ng 2018.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, magpopokus ang gobyerno sa agrikultura sa nalalabing termino ng kasalukuyang administrayon.

“We will focus on agriculture in the coming years,” wika ni Dominguez.

“We know that the major reason for the inflation this year has been the logistics problems we have had in agriculture as well as production problems,” dagdag pa niya.

Sa kaagahan ng taon, ang inflation ay tumaas sa 6.7 percent, ang pinakamabilis na naitala magmula nang pumalo ang inflation sa 7.2 percent noong Pebrero 2009.

Bukod sa pagtulak sa inflation, nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nasa P17 billion ang nawawala sa agrikultura kada taon dahil sa environmental hazards na pinalubha ng climate change.

“Environmental hazards aggravated by climate change continue to pose significant risks to agricultural output and growth,” wika ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

“Climate change is only about to get worse with recent rapid increases in temperature. If we do nothing, this will impede our target of increasing agricultural productivity and ensuring food security,” paliwanag pa niya.

Ang sektor ng agrikultura ay lumikha ng trabaho para sa 31.5 percent ng labor force ng bansa, at isa sa tatlong sektor ng production na sinusukat para sa paglago ng ekonomiya.