AGRIKULTURA PALAGUIN PARA MAGKA-INTERES ANG MGA KABATAAN SA INDUSTRIYA

Dr William Dar

DAPAT palaguin ang agrikultura para mahikayat ang mga kabataan na pag-aralan ito, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

Aniya, kailangang makita ng mga kabataan na kumikita ang mga magsasaka para mahikayat silang sumali sa ‘reinvention’ ng naturang industriya.

Anang kalihim, mas maganda rin kung gagamit ng teknolohiya sa pagsasaka.

“’Yung mga apps sa agriculture, mga grown technology, mechanized farming, lahat ng ito ay maka-eengganyo sa mga kabataan na bumalik sa kanayunan,’ ani Dar.

Iminungkahi niya sa Kamara ang pagpapatayo at pagpapaunlad ng agri-entrepreneurship fund sa bansa.

“Sinabi ko sa House of Representatives, magtayo tayo ng agripreneurship farm for the younger generation para mayroon na silang capital: zero interest, payable in 5 years,” aniya.

Sinagot din ni Dar ang hinaing ng mga negosyante sa General Santos City hinggil sa isyu ng mahirap na paghuli ng tuna sa lalawigan.

Ayon sa mga negosayente, papalayo na nang papalayo ang mga tuna at umaabot na ang mga ito sa Indonesia at Papua New Guinea.

Depensa ni Dar, hindi tumitigil sa iisang lugar ang mga tuna at patuloy ang paglangoy ng mga ito hanggang sa makakita sila ng ligtas na lugar kung saan puwede mangitlog.

Sa kabila nito, hinikayat ng kalihim ang mga commercial fisher na magsagawa ng rebreeding.

“We have encouraged the commercial fishers na mag-rebreed sila sa open seas para mas marami silang maha-harvest doon, kaysa ‘yung mga maliliit na barko na hindi makatatagal sa open seas,” ani Dar. DWIZ 882

Comments are closed.