PARA sa maayos at tuwid na pamamahala, inilunsad ng Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG) ang kanllang bagong matra na magiging gabay sa kanilang pagtugon sa tungkulin.
Ang bagong mantra ay inilunsad sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaro ng GCG na idinaos sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon.
“ Pursuant to our mandate, the theme for this year’s celebration is to Aim G.R.E.A.T.” where “G.R.E.A.T stands for: Good governance, Rightsizing, Efficiency, Accountability, and Transparency,” bahagi ng talumpati ni GCG Chairperson Justice Alex L. Quiroz (ret.) sa nasabing okasyon.
Binibigyang-diin ng GCG chairman ang mga hakbangin na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga stakeholder ng GCG, ipinakilala ng administrasyong GCG ang open-door policy, pagtatatag ng Anti-Corruption and Integrity Program, at ang pag-upgrade ng kasalukuyang Integrated Corporate Reporting System (ICRS).
Sa isang video message ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinamon nito ang mga opisyal at tauhan ng GCG na “maglaan ng oras upang unawain at pahalagahan muli ang kahalagahan ng kanilang mandato.
“Let the gravity of your contribution to our society’s development push you to be twice as passionate and diligent in fulfilling your duties. And most importantly, allow genuine compassion for our fellow Filipinos to be your driving force in pursuing your advocacies and your program,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Tampok din sa pagdiriwang ang pagkilala sa napakahalagang kontribusyon ng mga empleyado ng GCG sa pamamagitan ng paggawad ng GCG Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE).
Layunin ng paggawad ng GCG PRAISE ay hikayatin, kilalanin, at gantimpalaan ang mga empleyado para sa kanilang napakahusay na mga nagawa, huwarang pag-uugali, mga pambihirang gawain o serbisyo, na nakakatulong sa kahusayan, ekonomiya, at pagpapabuti sa mga operasyon ng pamahalaan at produktibidad ng organisasyon.
Pinuri ni Chairperson Quiroz ang mga taong nasa likod ng GCG, na nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa pagtataguyod ng mga mandato nito, at pinasalamatan ang mga stakeholder at institutional partners sa kanilang walang patid na suporta at pakikipagtulungan sa ahensiya.
Nagpasalamat din si GCG Commissioner Atty. Geraldine Marie Berberabe-Martinez sa lahat ng nakilahok sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ahensiya at nanawagan sa kanilang patuloy na kooperasyon sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng ahensiya.
“Indeed, this celebration marks the beginning of greater things for the GOCC sector, and we hope all our stakeholders will continue journeying with us toward our vision,” sabi ni Berberabe-Martinez.
Ang GCG ay nilikha sa ilalim ng Republic Act No. (RA) 10149 o ang GOCC Governance Act of 2011 na nilagdaan bilang batas noong Hunyo 6, 2011 bilang central advisory, monitoring, at oversight body na bumubuo, nagpapatupad, at nag-uugnay ng mga patakaran upang pamahalaan ang mga GOCC.