AIMAG, WORLD GAMES PAGHAHANDAAN NI BIADO

MAGIGING abala si Carlo Biado matapos ang kanyang tagumpay sa US Open Pool Championship.

Pangungunahan ng 37-year-old Pinoy cue artist ang kampanya ng bansa sa tatlong major international tournaments sa susunod na taon — Asian Indoor and Martial Arts Games, Southeast Asian Games, at World Games, kung saan siya ang defending 9-ball champion.

Nakatakda ang AIMAG sa Bangkok, Thailand sa March 10-20, ang SEA Games sa Vietnam ay pansamantalang nakaisedyul sa Mayo at ang World Games – isang meet na may basbas ng International Olympic Committee (IOC) ngunit tinatampukan ng disciplines na hindi nilaro sa Olympics – ay gaganapin sa Birmingham, Alabama sa July 7-22.

Bukod dito ay may tatlong iba pang events sa pro circuit tour kung saan inaasahan ang kanyang pagsabak tulad ng UK Open at World 10-Ball Championship.

Aniya, mas mabuti nang maging aktibo kaysa walang ginagawa lalo na sa panahong ito ng pandemya, na nagtulak sa kanya na magtungo sa US, apat na buwan na ang nakalilipas, at subukang sumabak sa iba’t ibang torneo.

“Nung nasa Pilipinas ako, wala talagang nasa bahay ka dahil nga nakakatakot dahil sa COVID-19 na ‘yan. Pero hindi ako nagpaapekto kasi hindi naman puwedeng habambuhay na nasa loob tayo ng bahay. Kaya nag-decide akong umalis, magpunta dito sa Amerika para makapag-practice at maka-pag-training dahil nga alam kong may darating kaming mga events tulad ng SEA Games at ‘yung AIMAG, so hindi ako puwedeng tumigil sa paglalaro,” pahayag ni Biado mula sa New York sa kanyang special appearance sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

Si Biado ay umalis sa bansa noong Mayo at naglaro sa local US meets gaya ng Texas Open, Austin Open, Sacramento Open, Big Time Classic Open, Diamond Open, at ang huli ay sa US Open kung saan siya itinanghal na kampeon makaraang gapiin si Singaporean Aloysius Yapp, 13-8, para sa top prize money na nagkakahalaga ng  $50,000.

Tiniyak ni Billiards and Sports Confederation of the Philippines (BSCP) Secretary-General Robert Mananquil, na sinamahan si Biado sa online session na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na pangungunahan ng US Open champ ang kampanya ng bansa sa iba’t ibang international tournaments sa susunod na taon.

Gayunman, sa AIMAG, aniya, ay isang event lamang sa billiards ang isasama sa calendar.

“We are allowed only two players each in men and women’s 9-ball. Alam ni Carlo yan na magkakaroon ng elimination yan, although with his record now, tignan natin,” anang BSCP official.

268 thoughts on “AIMAG, WORLD GAMES PAGHAHANDAAN NI BIADO”

  1. Prescription Drug Information, Interactions & Side. safe and effective drugs are available.
    best ed drug
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Get information now.

  2. What side effects can this medication cause? drug information and news for professionals and consumers.
    https://canadianfast.com/# ed meds online without doctor prescription
    Commonly Used Drugs Charts. Get warning information here.

  3. I have been browsing online more than 3 hours today, yet I never found any interesting article like yours. It is pretty worth enough for me. In my view, if all web owners and bloggers made good content as you did, the net will be a lot more useful than ever before.

  4. Wow! This can be one particular of the most useful blogs We have ever arrive across on this subject. Actually Fantastic. I’m also an expert in this topic so I can understand your effort.

  5. hello there and thank you for your info ? I have definitely picked up something new from right here. I did however expertise several technical points using this website, since I experienced to reload the web site lots of times previous to I could get it to load properly. I had been wondering if your web host is OK? Not that I am complaining, but sluggish loading instances times will very frequently affect your placement in google and can damage your high quality score if advertising and marketing with Adwords. Anyway I am adding this RSS to my email and could look out for a lot more of your respective interesting content. Make sure you update this again soon..

  6. Simply desire to say your article is as surprising. The clearness in your put up is just spectacular and that i could assume you’re a professional on this subject. Well together with your permission allow me to clutch your RSS feed to keep up to date with imminent post. Thanks a million and please continue the gratifying work.

  7. Hi, Neat post. There’s a problem with your site in internet explorer, would test this? IE still is the market leader and a good portion of people will miss your excellent writing due to this problem.

Comments are closed.