AIR COOLING SYSTEM NG NAIA AAYUSIN NA

APEKTADO  ang check-in counter, immigration departure, at final security checks for domestic at international flight, baggage carousels for international at domestic arrivals at ang arrival lobby kapag sinimulang i-rehabilitate ang air cooling system ng Ninoy Aquino International Airports (NAIA) sa July 16 at 17.

Ayon sa impormasyon, anim na bagong cooling tower system ang ikakabit sa main piping papunta sa chiller plant, at magsisimula bandang alas 9:00 ng gabi ng Martes hanggang alas 9:00 ng umaga ng Miyerkoles, July 17.

At pansamantalang isa-shutdown ang air cooling system ng NAIA 3 upang walang maging sagabal at mapadali na maisagawa ang mga ito.

At habang ginagawa ang rehabilitation ang mga fans, at blower ang pansamantalang pagaganahin, at kasabay nito maglalagay ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng air conditioning units sa ibat-ibang area ng airport, bilang back up cooling system.

Batay sa impormasyon, tinatayang aabot sa 27,000 arriving at departing passengers na lulan ng 117 flights ang makararanas ng init o discomfort , dulot sa kakulangan ng lamig sa loob ng 12 oras.

Inaalerto ng MIAA ang kanilang medical team bilang paghahanda sa maaring mangyari na emergency sa loob ng paliparan. Froilan Morallos