AKLAN HUMUGOT NG INSPIRASYON SA WINDFARM NG ILOCOS NORTE SA PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY

WINDFARM

NABAS, Aklan — GAMIT ang inspirasyon mula sa Bangui Wind Farm sa Ilocos Norte, ang dating tahimik na fourth class municipality na ito ay nakikinabang na ngayon sa sarili nilang wind farm hindi lamang sa turismo kundi maging sa pagsigla ng kanilang ekonomiya.

Matatagpuan sa Barangay Pawa, 25 kilometro ang layo sa kilalang tourist destination na Boracay, ang P4-bilyon Nabas Wind Farm, ang pinakamalaking proyekto sa probinsya na pinakikinabangan na ngayon ng mahigit sa 35,000 populasyon ng 20 barangay sa naturang bayan.

Ang proyekto ay mayroong 18 giant wind turbines na siyang nagsu-supply ng maayos na kuryente sa buong Western Visayas, partikular sa Boracay, ang nangungunang tourist destination sa bansa.

Inamin ni dating Kalibo, Aklan Mayor at ngayon ay gubernatorial candidate na si William Lachica na sinimulan ang kanilang wind farm dahil na rin sa tagumpay ng Bangui Wind Farm sa Ilocos Norte na proyekto ni presidential bet Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We wanted to emulate the success of the Bangui Wind Farm. Nabas has become a tourist attraction and has brought millions in terms of taxes. The potential is endless, and it is environment friendly,” ani Lachica.

Idinagdag pa ng opisyal na ang plano ni presidential candidate Marcos, na palakasin ang micro, small and medium enterprises (MSME), na layuning makalikha ng maraming trabaho kasabay ng pagpapalakas sa turismo ay siguradong pakikinabangan hindi lamang ng Aklan kundi maging ng buong isla ng Panay.

“We need to prepare to take off after the pandemic, and we welcome resources coming from outside, but we always understand that we already have a lot of potential here,” ayon pa kay Lachica.

“The Nabas Wind Farm has not only become a source of energy and income but also a symbol of hope and inspiration to the people of Aklan,” dagdag pa niya.

“With Bongbong Marcos at the helm of the government, we can tap into our limitless potentials and move on from destructive effects of the pandemic,” giit niya.

Matagal umanong nagtiis ang mga residente ng Barangay Pawa na hindi naabutan ng serbisyo ng pamahalaan dahil sa kakulangan ng supply sa tubig at kuryente.

Pero dahil sa Nabas Wind Farm sumigla at nabuhay ang ekonomiya sa lugar.

“The wind farm opened our eyes to the idea that everything is possible. If it can happen in Bangui, then it can happen in Nabas, sky is the limit,” idinagdag pa ni Lachica.