ANG pagbabalik ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga trabaho ay nagdulot ng magandang epekto sa ating ekonomiya noong nakaraang taon.
Ito ay dahil ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances noong nakaraang taon ay pumalo sa $34.88 bilyon, o mas mataas ng 5 porsiyento kaysa sa $33.19 bilyon noong 2020 na kasagsagan ng pandemya.
Habang parami na nang parami ang mga bansa na nagluluwag ng restriksiyon, mas marami na ring mga trabaho ang nagbubukas kaya naman mas marami na rin sa ating mga OFW ang bumabalik sa ibang bansa.
Ngunit sa kabila ng kanilang tulong sa ating ekonomiya, lingid sa ating kaalaman ang sitwasyon ng pang-aabuso sa napakaraming migrant workers.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Offices (POLO), noong 2020 lang ay umabot sa 5,000 ang kaso ng mga inabusong OFW. Sa kabuuang ito, 4,302 na kaso ang naitala sa Middle East.
Dagdag pa, talamak din ang mga employer sa ibang bansa na puwersahang kinukuha ang kanilang mga passport, kahit pa ilang beses nang pinakiusapan ng ating pamahalaan ang ibang mga bansa na aksiyunan ito.
Ang ating mga OFW ay nasa pangangalaga ng Overseas Workers Welfare Association o OWWA, isang attached agency na nasa ilalim ng bagong tatag na Department of Migrant Workers na magsisimulang mag-operate sa susunod na taon. Kaya lamang, higit na kailangan natin ng isang kinatawan sa House of Representatives upang magtulak ng mga batas upang protektahan ang ating mga OFW at matiyak na sila ay nasa mabuting kapakanan.
Isa sa mga tumatakbong party-list ngayon sa Kongreso ay ang Advocates & Keepers Organization of OFW Inc., o AKO-OFW, na pang-10 sa balota.
Mula nang maitalaga noong 2015, naging aktibo na ang AKO-OFW sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng ating mga OFW, bukod pa sa kanilang napakaraming programa at inisyatiba katulad ng OFW pension plan, programang pabahay, scholarship grant para sa mga anak ng OFW, at reemployment program na lahat ay kapaki-pakinabang para sa ating mga migrant workers at kanilang pamilya.
Mayroon din silang mga discount program at ward sa mga regional hospital na nakatalaga para lamang sa mga OFW.
Gayundin, isinusulong din ng AKO-OFW party-list ang mga reporma, batas, at polisiya na nakatuon sa pagpoprotekta sa mga karapatan ng OFW. Kasama rin sa kanilang plano ang pagkalap ng mga propesyunal katulad ng mga abogado, health at mental health workers, at mga financial advisor para lamang sa kanila.
Sa kabutihang palad, isa ang AKO-OFW party-list sa top 20 mula sa 177 na nagpapaligsahang party-list para sa susunod na halalan.
Bilang mga botante, maging wais tayo sa pagpili ng ating mga iboboto sa susunod na eleksiyon. Palagi sana nating isaalang-alang ang kabutihan ng bawat isa sa bawat desisyon na ating gagawin.
Bilang tulong at suporta sa ating mga OFW, isama natin sa listahan ang AKO-OFW party-list sapagkat sa grupong ito, masisiguro natin na magiging tunay silang sandalan ng ating mga OFW sa oras mga panahon ng pagsubok.