AKTOR NA KA-TIKTOK NI CHRISTINE DACERA NAGPALIWANAG

CHRISTINE DACERA

APEKTADO ang baguhang aktor na si Ali King na kaibigan ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera dahil maging siya ay naba-bash na rin.

Si King, na napanood sa BL o Boy’s Love series na “Boys Lockdown”, ay kasamang nagti-Tiktok ni Dacera at ng isa pang kaibigan  na si Rommel Balido na naglabasan sa social media.

Bagama’t wala ang pangalan  ni King sa listahan ng mga persons of interest  ay  kinakastigo ito ng  mga netizen na nangdadawit sa pangalan niya sa kontrobersyal na kaso.

Ang  TikTok video ng aktor ay kuha noong Nobyembre 30, 2020 at ito ay naglabasan matapos na matagpuang wala nang buhay si Dacera sa loob ng bath tub sa Citygarden Hotel sa Makati City.

Agad namang  nag-post si King sa Twitter para linisin ang kanyang pangalan at matigil na ang pagdawit sa kanyang  pangalan sa nasabing kaso.

“Got these comments on Tiktok just because I’m friends with Tin Dacera and appeared in old TikTok videos with her. I love her and I was heartbroken to learn of her death,” simulang paliwanag ng binata.

Dagdag pa niyang tweet, “I was at home for the New Year and was nowhere near the hotel where she died yet people still managed to say these things to me.

“I hope we learn how to be responsible with what we say online and to educate ourselves first before making conclusions. #JusticeForChristineDacera,” lahad pa niya.

Payo naman ng  followers  ni King  na kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news laban sa kanya para maturuan din ng leksiyon ang mga ito.

Comments are closed.