DAHIL tumitindi ang nagaganap sa buong mundo, partikular ang COVID-19 pandemic, babalik na sa America si Jimmy Alapag kasama ang kanyang buong pamilya.
Si Alapag ay head coach ng Alab Pilipinas na minsan na niyang pinag- champion taong 2018. Iiwanan ng 6-time champion ang team ng San Miguel Beer kung saan deputy coach siya. Nag-aalala si Jimmy sa nangyayarin lalo na sa kanyang tatlong anak na pawang maliliit pa. Nais niya na makasama ang kanyang buong pamilya na sa California, USA naninirahan . Ang negosyo ng asawang actress na si LJ Moreno ay posibleng isara na kapag iniwan na nila ang Pinas. Ang mga anak nila ay ipagpapatuloy ang pag-aaral sa Tate.
Wala rin kasing kasiguruhan kung kailan magre- resume ang ABL Panigurado ngayong taon malabo ng magkaroon ng ABL na dapat magsimula sa November at matatapos sa Mayo 2021 dahil sa patuloy na pananalasa ng virus sa buong mundo. Puwede namang bumalik agad sa Pinas si Jimmy Alapag kapag maayos at normal na ang bansa.
o0o
Congratulations kay Ginebra rookie Arvin Tolentino na kamakailan ay ikinasal sa kanyang long-time GF na si Brandy Kramer. Si Brandy ay bunsong kapatid ni ex-PBA player Doug Kramer na nagretiro noong isang taon. Ang huling team ni Doug ay ang Phoenix Pulse Fuel Masters. Si Tolentino ay no. 10 pick ng Ginebra noong 2019 PBA draft. Ibinahagi ni Tolentino ang kanilang pag-iisang dibdib sa kanyang Instagram. Ngayon pa lamang ay excited na si Arvin sa paglalaro sa kanyang team at syempre, ang pagpasok niya sa buhay may asawa.
o0o
Umiinit ang balita na nagkakainteres ang Brgy Ginebra na ang kalibre ni Sean Anthony ng NorthPort Batang Pier upang magkaroon ng pag-asa sa inaasam na kampeonato sa Philippine Cup. Ito na lang kasi ang hindi pa nasusungkit ng Gin Kings. Paano magtsa-champion ang Ginebra kung kulang naman sila sa malaki. Knowing na hindi na bumalik sa Pinas si Greg Slaughter na tinanggap ang European league. Si Anthony ay napasama sa All-Defensive team noong isang taon at nahirang na ‘Defendive Player of the Year’. Bagamat 6’4 lamang ang small forward player na ito ay masipag naman siyang mag-rebound at may perimeter shot at nagpapakamatay ito sa loob ng court.
Ang tanong, sino ang magiging kapalit ni Anthony sa tsika ng On the Spot. Handa nga bang ibigay ng Gin Kings sina Aljon Mariano at rookie Jerrick Balanza? Gayong sobra- sobra na sa guard ang naturang team tulad nina Scottie Thompson, Stanley Pringle at LA Tenorio. Matagal na rin namang nais makuha ng Batang Pier itong si Balanza na matinding player ng Letran Knights ni coach Boni Tan. Si Tan ay team manager ng Northport. Abangan na lamang natin kung papasa isa panlasa ni PBA Kume Willie Marcial ang rumor trade ng Ginebra at NorthPort.
Comments are closed.