Mga laro sa Peb. 27:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Meralco vs Columbian
7 p.m. – Phoenix vs NorthPort
NAITALA ng Alaska ang ikalawang sunod na panalo makaraang matakasan ang Blackwater, 103-101, sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Hindi naging madali ang panalo para sa Aces kung saan kinailangan silang hagupitin ni coach Alex Compton upang umangat sa 2-1 kartada at ipa-lasap sa Elite ang ika-6 na kabiguan sa pitong asignatura.
“It’s a hard earned victory. We had to work extra hard to win,” sabi ni Compton.
Lamang ang Alaska sa 90-84 nang magbanta ang Blackwater na agawin ang panalo subalit naging matatag ang tropa ni coach Compton.
Sa unang pagkakataon ay naging top scorer si Jeron Teng na may 18 points, kasosyo si Carl Bryan Cruz, habang nag-ambag sina Sonny Thoss ng 16, Chris Exciminiano ng 14 at skipper Chris Banchero ng 11 para sa Alaska na nagtala ng 11 of 32 sa three-point area, 14 of 24 sa charity lane, 55 rebounds at 27 assists.
Lumaban nang husto ang Blackwater subalit kinapos sa huli sa lungkot ni coach Bong Ramos.
“We really wanted to win but our efforts were not enough,” ani Ramos.
Kumana si Allen Maliksi ng game-high 25 points subalit hindi nakakuha ng solidong suporta mula sa kanyang teammates. CLYDE MARIANO
Iskor:
Alaska (103) – Teng 18, Cruz 18, Thoss 16, Exciminiano 14, Banchero 11, Ayaay 9, Pascual 8, Galliguez 7, Potts 2, Baclao 0.
Blackwater (101) – Maliksi 25, Sumang 18, Digregorio 14, Jose 9, Tratter 7, Belo 7, Sena 6, Cortez 6, Desiderio 4, Alolino 3, Eriobu 2, Javier 0, Banal 0.
QS: 29-28, 49-48, 75-72, 103-101.
Comments are closed.