ALBAYALDE, MENDEZ  DADALO SA 10-DAY OFFICIAL MISSION SA US

ALBAYALDE-MENDEZ

NAGTUNGO ng Estados Unidos si PNP Chief, Director General Oscar Albayalde para sa sampung araw na official mission sa nasabing bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson, Sr. Supt. Bernard Banac, kasama ni Albayalde sa biyahe sa Amerika si The Deputy Chief For Administration (TDCA) Police Deputy Director General  Fernando Mendez Jr.

Itinalaga naman ni PNP Chief bilang Officer in charge si The Deputy Chief for Operation Police Deputy Director General Archie Gamboa.

Ang sampung araw na official mission sa abroad ng dalawang opisyal ng PNP ay simula kahapon, March 12 at hanggang March 22.

Layunin ng mission abroad ng mga ito na makadalo sa mga working meetings, discussion at seminar  patungkol sa counter terrorism matapos na imbitahan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos. REA SARMIENTO