LAST Wednesday morning, August 14, nag-post sa Twitter ang PH Box Office @dntagx Hello, Love, Goodbye now holds the record as the biggest opening weekend for a Filipino Film in North America with $555,772 surpassing The Hows of Us’ $537,000.
Hello Love Goodbye First Weekend Gross North America $555,772 or P29 million.
Sa Top 20 Movies in North America – Weekend of August 09, 2019 nanguna ang Fast & Furious, na nakakuha ng $25.27-M at pang-16 ang Hello, Love, Goodbye” with $555,772 or P29 million. USD SOURCE:comScore.
Congratulations @bernardokath @aldenrichards02, Star Cinema, Direk Cathy Garcia-Molina and the whole Team of “Hello Love, Goodbye.”
DIREK GINA ALAJAR BILIB SA TATLONG BATANG ARTISTA NG ‘PRIMA DONNAS’
MATAGAL-TAGAL na rin pa lang nagdidirek ng mga teleserye ang mahusay na actress at director na si Ms. Gina Alajar. In between ito na nagdidirek din siya ng movie at gumaganap bilang isang actress.
Matapos bilangin kung ilan na ang naidirek niyang teleserye, ito palang ginagawa niya ngayon na “Prima Donnas” ang pangsampu na niya. At thankful siya na after “Onanay” na first time niyang naidirek si Jo Berry, tatlo namang young teenagers, aged 13 and 14 ang ididirek niya, sina Jillian Ward, 14; Sofia Pablo, 13; Althea Ablan, 14, ang “Prima Donnas”, kasama rin ang young kontrabida na si Elijah Alejo, 14, with Chanda Romero, Katrina Halili at Aiko Melendez, at ang actor na si Wendell Ramos. Kumusta naman ang tatlong tween actress?
“Mahuhusay sila, medyo nagkaroon lamang kami ng adjustment nang malaman naming ito palang sina Jillian at Sofia, malalabo ang mata,” kuwento ni Direk Gina bago nagsimula ang mediacon. “Kapag kaharap lamang nila ang kausap nila, saka nila nakikita, kapag medyo malayo wala na, bulag na sila. Kailangan naming gawan ng paraan dahil hindi sila maka-deliver sa eksena.
“Pinagamit namin ng contact lenses, medyo mahirap din dahil mga bata pa sila. Kaya lamang nagkaproblema ulit dahil sa crying scenes hindi na sila makaiyak, naba-block ng lenses iyong luha nila para lumabas. Kaya kailangang alisin muna ang contact lenses bago mag-take ng crying scene, then ibabalik ulit. But mahuhusay talaga sila, later on, nang masanay na sila, sa tulong ni Chanda na gumagamit din ng contact lenses, may lubricant na ipinapatak sa eyes nila, hindi na nila kailangang tanggalin ang contact lenses, tuloy-tuloy na ang take namin.”
Dagdag pa ni Direk Gina, wala siyang problema sa kanila, dahil nakikinig sila sa instructions ko, dahil sinabihan daw niyang dapat ay lagi silang nakikinig sa instructions para hindi paulit-ulit lalo na kung mahirap ang eksena.
Triplets ang isinilang na tatlong donnas sina Donna Marie (Jillian), Donna Belle (Althea) at Donna Lyn (Sofia) ng surrogate mother na si Lilian (Katrina), pero paano nangyari na isa pala sa kanila ay hindi naman tunay na anak ni Maita (Glaiza de Castro).
May special role si Glaiza bilang wife ni Jaime (Wendell) na hindi magkaanak.
Ang “Prima Donnas” ay may world premiere sa GMA Afternoon Prime, simula sa Monday, August 19, pagkatapos ng “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko. ”
Comments are closed.