ALDEN AT SANYA NAHULING MAGKAYAKAP

NAGULAT  ang  followers at tagahanga nina Alden Richards at Sanya Lopez  sa hotshotslumabas na larawan nila na kung saan nakaakbay si Alden kay Sanya  at ang huli naman ay nakayakap at nakasubsok  pa ang ulo sa dibdib ng actor.

Nakunan  sila  sa  rehearsal ng “All-Out  Sundays”  dahil  nasa harap sila ni Mavy Legaspi na hindi naman nakatingin kina  Alden at Sanya.

Nagmistula  raw  na may sariling mundo ang dalawa  na kahit nakatalikod ang kuha ay masa­yang nag-uusap.

Dahil na rin sa lumabas na super sweet na larawan nina Alden at Sanya ay inakala na mga fan ay may relasyon na ang dalawa. Kaya hindi naiwasan na maglabasan ang mga pabor at  kontra sa kanilang relasyon, kung totoo ngang may namamagitan na sa kanila.

May  nag-react  na  hindi  raw  bagay  si Alden kay Sanya dahil sa sexy image  nito at may nagsabi rin na bigger star si Alden kay Sanya. Dapat  daw  humanap  ng  ka-level  niya  si  Alden ng magiging girlfriend.

Kung may kontra ay may mga pabor rin naman kay Sanya  dahil bukod sa maganda, mabait ay hindi mahilig sa night  out. Pareho sila ni Alden na nagmula sa hirap at NBSB o No Boyfriend Since Birth pa ito.

Kung  hitsura naman ang pagtatalunan ay nagko-compliment sila dahil  mestiso looks  si Alden  at  morena naman si Sanya.

COCO MARTIN MAS BINIGYANG-PANSIN ANG SUPORTA SA ABS-CBN KAYSA PATULAN SI ROBIN

MAS  binigyang-  pansin  ni  Coco Martin ang pagsuporta sa problema ng franchise ng ABS-CBN kaysa patulan o sagutin si Robin Padilla. Dumating nga si Coco sa mga empleyado ng Kapamilya na nag-rally and prayer vigil  last Friday night para magbigay ng magandang mensahe.

“Hindi  ko hahayaan  na isang araw magi­sing  na lang ako na ‘yung pinagkakautangan  ko  ng  loob, ng maraming  empleyado, na nagbibigay  sa amin ng  hanapbuhay  para matupad  ang  aming  mga  pangarap  ay mawala na lang nang bigla,” bungad na mensahe ni Coco

Sinabi pa niya na hindi sila naghahamon o naghahanap ng gulo. Hangad  nila ay mana­langin at  humingi ng tulong.

“Nandito  kami  para  ipakita  na nagkakaisa  kami, hindi para  magha­nap ng gulo o maghamon sa kahit anumang  laban. Nandito kami para hu­mingi ng tulong para ipa­nalangin na sana, bigyan ng linaw ng kalooban, ng pag-iisip ang Senate, ang lahat ng mga bumubuo ng mga dapat mag-bigay ng prangkisa para sa ABS-CBN,” patuloy pa ni Coco.

Ayon naman sa isang netizen, “We felt Coco Martin`s  live statement  in TV Patrol  just  now  regarding  ABS-CBN`s  franchise  renewal. I hope a lot more  celebrities  with  that  kind of  influence speak  up,  be aware of  the injustice   that`s  happening.”

Anyway, sa isang interview naman kay Speaker Cayetano ay nagpahayag ito na hindi naman magsasara ang ABS-CBN kahit na ma-late na itong pagde-batehan sa Congress ang renewal ng franchise dahil magbibigay sila ng tila “batas” na hangga`t  dini­dinig ang franchise renewal ay mananatili pa rin o malaya pa rin makapag-ooperate ang Kapa­milya Network.

Comments are closed.