ASIA’S Multimedia Star Alden Richards ay ang kauna-unahang male cover ng Dubai-based magazine na Xpedition para sa kanilang winter issue. Four ang covers ng magazine na ilalabas na nila sa December 20, 2019.
Post ng @expeditionmagazine Xpedition magazine winter issue Alden Richards: The King is an Island. Holding a Guinness World Record for 40 million+ tweets (for AlDub) in just few hours, standing the test of time in the show business industry for an unrivalled passion with his craft, acclaimed by his peers for his devotion to art and loved by everyone for his golden heart.
@xpeditionmagazine proudly present our very first Male Cover – Asia’s Multimedia King and this year’s Box Office King @aldenrichards02
Ang editor-in-chief ng @xpeditionmag ay si Josh Yugen, creative director si @furneamato. Nagpasalamat din sila sa @gmanetwork @artistcenter. Sa mga interested na makakuha ng copy, gawin ninyo ang order sa www.xpeditionmagazine.com or email to [email protected]
Ipinagtanong namin kung magkano ang price ng isang magazine, $40 daw each copy or aabot ng 2 thousand pesos ang isa. Kaya kung oorder kayo ng four covers, aabot ito ng 8 thousand pesos.
BETONG SUMAYA, TETAY AT SOPHIE ALBERT PINASAYA ANG PASKONG KAPUSO 2019
INVITATION ng GMA Network: “Rain or shine, celebrate the ‘Paskong Kapuso 2019: GMA Network’s Media Christmas Party,’ tomorrow, December 3 (Tuesday), 5PM at Studio 7, GMA Annex Building.”
December 3 nang nakatakdang dumaan sa Metro Manila ang bagyong ‘Tisoy.’ Pero salamat sa Diyos, maliban sa malakas-lakas na ulan at hangin noong hapon, hindi naman sapat iyon para hindi dumalo ang mga entertainment media sa imbitasyon ng GMA Network.
Kaya labis-labis ang tuwa at pasasalamat ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa mga dumalong media na pumuno sa Studio 7 ng GMA Annex building. Wala naman kasing ipagwo-worry ang mga dumalo dahil kahit umulan pa nang malakas (na hindi naman nangyari), ay safe sila sa loob ng building. Kasama rin niyang nagpasaya sa media sina Mr. Felipe Yalong, Ms. Lilybeth G. Rasonable, Ms. Redgie Magno, Ms. Bang Arespacochaga and Ms. Angel Javier-Cruz.
Hindi nga binigo ng GMA and media sa paraan nila ng pagpapasalamat sa kanilang mga tulong sa pamamagitan ng kanilang mga diyaryo at blogs para mai-promote ang mga show ng network sa kani-kanilang articles and columns.
Hosted by Betong Sumaya, Tetay and Sophie Albert, nagkaroon ng mga games na masayang sinalihan ng media na nagkamit sila ng cash prizes and gifts. May segment din na pumili sila ng Male & Female Stars of the Night mula sa media na pinanalunan ng mga kasama nating sina Joe Barrameda at Erlinda Rapadas, respectively. Tumanggap sila ng trophy, sash at cash prize each.
Libo-libo ring cash prizes and ipinamigay ng GMA mula sa mga bossing ng network, at mga Kapuso artists na nagbigay rin ng mga song numbers. Sabi nga “walang umuwing luhaan” dahil lahat ay nakatanggap ng cash prizes at give aways mula sa network.
Mula naman sa amin, maraming-maraming salamat GMA Network, sa mga Kapuso artists, sa GMA Corporate Affairs and Commnications na siyang nag-organized ng #PaskongKapuso2019.
Comments are closed.