HINDI nakaligtas sa mga basher ang ginawang pagluhod ni Alden Richards sa harap ni Direk Cathy Garcia-Molina bilang pasasalamat ng actor sa mga papuri sa kanya ni Direk matapos sila magkatrabaho sa Hello, Love, Goodbye under Star Cinema.
Inisyu ng basher na pinahiya raw ni Alden ang GMA Network sa ginawa nitong pagluhod kay Direk Cathy na taga-ABS CBN. Pero hindi na ito pinatulan ng actor at kanyang team dahil ang supporters na ng actor ang nagtanggol sa kanya.
Hindi matapos-tapos ang ginawang pagluhod ni Alden dahil ipinost nito sa Instagram (IG) ang photo na nakayakap at nakaluhod siya sa harap ni Direk Cathy.
SUE RAMIREZ BRALESS NANG DUMALO SA MEDIA LUNCH NG PPP
BUONG ningning na sinabi ni Sue Remirez na wala siyang suot na bra nang dumalo sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Peg daw niya ang character ni Adela Johnson sa pelikulang Cuddle Weather na isang prosti.
Pero tila ayaw maniwala ng press na wala siyang suot na bra sa loob ng suot niyang white top na may blazer.
“Wala po talaga akong bra. Hindi po ako nagba-bra. It`s a trivia about me, I don’t wear bra,” aniya.
‘Yun na raw ang pinaka-daring role na ginawa niya sa pelikula at ginawa raw niya kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ng director.
“Wala po kasi akong malisya. Lahat naman tayo may katawan, iba lang ‘yung sa iba, iba ‘yung sa akin. Pero pare-pareho lang ‘yan at the end of the day.
“And wala naman akong inhibitions, wala akong insecurities about myself. So tanggap ko ‘yung sarili ko. Sana, tanggapin din ng mga tao,” say pa ang seksi at mestisang actress.
Sex worker ang role ni Sue at kanyang leading man na si RK Bagatsing sa Cuddle Weather na kapwa sila experienced prostitutes ang character ni Adela habang newbie callboy naman si RK bilang si Ram.
“Yes, po, sensitive yung topic na pinag-uusapan doon sa pelikula kaya siya mas exciting. Kasi, sorry, ha? Magmumura sana ako, pero huwag na lang.
“Bakit tayo nahihirapan na sabihin yung mga ganu`n ka-Tagalog na ‘yun naman talaga ang term? Anong sasabihin? Bakit parang masakit sa mga tenga natin?
“So, itong pelikulang ito ang magbubukas sa mga isip ng mga tao na hindi, hindi siya bastos. It`s just a word. Depende lang ‘yan sa`yo kung paano mo tatanggapin sa tenga mo at sa utak mo.”
Ayon pa kay Sue, mapangahas siya sa movie, hindi lang sa salita kundi maging sa gawa dahil yun nga raw ang hinihingi ng istorya at kanyang character.
Alam ni Sue na mapangahas ang mga pinaggagawa nila ni RK at sigurado raw pag-uusapan ang mga eksena kanilang ginawa.
SUNSHINE CRUZ AYAW PAG-USAPAN ANG LOVE SCENE SA BATANG AKTOR
SA LAMAN ng caption na pinost ni Sunshine Cruz sa Instagram ng publicity photo ng pelikula niyang “Malamaya” ay ayaw sana niyang pag-usapan ng media ang love scene niya sa pelikulang.
Sabi ni Sunshine, sana hindi sa kanyang love scene sa mas batang actor mag-focus ang mga tao.
“Our movie is more than that. Nagugulat ako honestly sa headlines. Sana people will not focus in just my love scene with a much younger actor. I accepted the movie because it is beautiful, it is different and challenging.
“I accepted Malamaya without hesitation because I know I will be taken care of by my directors (mga kapwa ko babae sila kaya alam kong inalagaan ako),” say ni Sunshine.
“Being part of Cinemalaya is a blessing I`ve always dreamt of being part of Cinemalaya and I am grateful for the chance,” say pa ni Shine.
Ang tanong tuloy ng karamihan ay kung gaano raw ba ka-daring ang love scene ni Sunshine sa young actor?
Mas daring pa raw ba ito sa ginawang sexy movie ni Sunshine sa love scene na ginawa nila ni Jay Manalo?
Comments are closed.