ALDEN IN-IMAGINE NA KA-HOLDING HANDS SI LISA NG BLACKPINK GROUP

Alden

NAGLALARO pala ng Rag­narok si Alden Richards.chizmax

Sa kanyang social media account ibinahagi ng Kapuso actor ang paglalaro ng Ragnarok with Lisa ng Blackpink group.

Magka-team sila ni Lisa sa game. Sa caricature photos ng game ay mag­kahawak-kamay ang magkakamping player.

Nilagyan eto ni Ri­chard ng caption, “kahit man lang sa laro maka-holding hands. Good morning!”

Nakatanggap ng mga komento mula sa netizens ang Kapuso actor.

Hindi naman daw masama ang mangarap. “A boy can dream.”

May nagsasabi namang ‘kilig much kung magkakapareha ang dalawa in real.’

“Mukhang mas malaki ito kesa sa AlDub pag nagkataon! PinoyKorea!” Mas bagay daw sina Alden at Lisa kesa kay Maine Mendoza. Ang cute ni Alden the Fanboy. Hihihi.”

Sabi naman ng ibang netizens, female version daw ni Alden si Lisa dahil magkamukha ang dalawa.

Puna naman ng netizen na eto, “Ginagamit lang niya ang mga mga sikat na female celebs: Maine, Kath, Catriona and now Lisa para mapag-usapan.

Well, wala na lang basagan ng trip. Hindi naman sinasabi ni Alden na type niya si Liza kundi fanboy siya nito.

SUNSHINE CRUZ INALMAHAN ANG BASHER DAHIL SA ANAK

UMALPAS na ang galit ni Sunshine Cruz sa bashers ng kanyang anak na si Samantha.SUNSHINE CRUZ

Nakikita kasi in public sina Sam at ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri na laging magkasama. Kasama rin nila ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Sa IG account ni Sunshine ay may screenshot siya pinost na may user ID @myluvkycine.

Message niya, “Hey girl, magkikita ulit kayo ni kyle echarri bukas. Who’s kylie dating right now you or lorin.”

May pahabol si @myluvkycine, “Kayo sisira sa career ni Kyle hahaha lalandi niyo manang-mana kayo sa nanay niyo hahaha alam niyo may ka-loveteam na si kyle lagi pa din kayo nagkikita.”

“Mana ka sa nanay mo, bold star malandi malandi kayo ni Lorin.”

Hindi nagustuhan ng fans ni Kylie ang pagiging magkaibigan ng dalawang bagets. Pinagsasabihan pa ng netizen nang hindi magagandang salita ang anak nina Sunshine at Cesar Montano.

Ang tinutukoy na ka-loveteam ni Kyle ay si Francine Diaz sa Kadenang Ginto kung saan magkasama si Francine at Kyle.

Sinagot ni Sunshine ang basher na bumabatikos sa kanyang anak:

“Why are you guys attacking my daughter @samcruzm? Mag-ingat ka @myluvkycine. Kyle Echarri and my daughter are friends only! Pati ako talaga dinamay mo. @kyleecharri,” mensahe ng actress.

Pinagtanggol din ni Sunshine si Kyle. Aniya, “Kyle is a nice boy! My daughter is only 15. Magkaibigan lang po sila. Part ng barkada.”

Eh, ano naman kaya ang masasabi ni Ruffa sa patutsada rin ng basher sa kanilang mag-ina.

Well, let’s wait and see!!!

YEN SANTOS MAY POSIBILIDAD NA MAGMAHAL NG LGBT

MAY nagtanong kay Yen Santos kung may posibilidad ba siyang ma-inlove sa isang miyembro ng LGBT.YEN SANTOS

Ayon sa Kapamilya actress naniniwala siyang hindi importante ang kasa­rian kung tunay na nagmamahalan.

There was a time raw na may lesbian na nanligaw sa kanya nu’ng grade school daw siya.

May mga nagpapa-cute, pero hindi naman daw niya siniseryoso.

“Hindi ka naman nai-in love dahil sa babae o lalaki siya. Marami akong kaibigang bading at may mga kakilala ako na lesbian ang karelasyon. So, nakikita kong may true love. Nagkakaroon ng true love sa love ng dalawang babae at dalawang lalaki.”

Kaya raw niya nasabi ang mga bagay na ‘yun dahil baka biglang may manligaw sa kanyang lesbian o gay tapos bigla rin siyang ma-inlove.

Comments are closed.