ALDEN-KATHRYN FILM SISIMULAN NA ANG SHOOTING

NAG-LOOK test na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa kauna-unahan nilang pelikula sareflection Star Cinema kahapon. In full force ang buong Star Cinema staff sa ginanap na look-test pati na ang almost complete members of the cast ng movie.

Look test pa lang daw ay “nabinyagan” na agad si Alden sa direktor ng pelikula nila na si Cathy Garcia-Molina tungkol sa kanyang face. Medyo mapanga raw si Alden. Pero pa-sweet naman itong sinabi ni Direk  Cathy kay Alden.

Ayon sa aming source, present sa look test ang ina ni Kathryn na si Mommy Min. Sabi pa niya, mukhang tuwang-tuwa si Mommy Min kay Alden all throughout na magkasama sina Kathryn at Alden sa look test.

Last year pa pala nagsimula ang “negosasyon” between Alden’s camp and Star Cinema. Pagkatapos ay ilang series of meetings ang naganap. Not less than six times daw nag-meeting ang dalawang kampo bago nagkaayos.

From our source ulit, kung ‘di magkaka-aberya, magaganap ang first shooting day ng movie nila on April 10. Mayroon na raw kasi silang playdate na hinahabol next month.

Knowing Direk Cathy, kayang-kaya niyang “lagariin” ang proyekto in less than two months. Mas magaling pa nga ata si Direk Cathy kapag minamadali siya, eh.

ALLEN DIZON KASALI NA NAMAN SA FILMFEST

HAPPY and excited pa rin ang multi-awarded actor na si Allen Dizon na nakakasama sa isang local film festivals ang kanyang pelikula kahit na ang dami-dami na niyang nasalihan na international film festivals.

Nakapasok kasi sa full-length category ng Sinag Maynila 5 ang movie niya kay Direk Ralston Javier.

“Every time na festival, local o international parang, excited ako palagi, e. Siyempre ipapalabas  ‘yung pelikula namin.  Maraming mga Filipinong nakakapanood lalo na Sinag Maynila. Marami na rin siyang audience. Siyempre ‘di ba, hindi naman lahat napapasama sa festival. So, malaking karangalan bilang artista, bilang Filipino na makasama ang pelikula namin,” pahayag ni Allen sa isang panayam kamakailan.

Dual role si Allen sa “Persons of Interest.” One of his characters sa movie ay isang bulag. Nag-research daw talaga siya kung paano maging bulag.

Inamin ni Allen na nahirapan siya portraying dual roles especially ‘yung role na bulag. Kaya ask namin siya kung sa palagay ba niya may chance ba siya ng Best Actor award na manalo ulit sa Sinag Maynila 5.

“Hindi naman,” ngiti niya. “Hindi naman ako lagi umaasa. Pero nakada­lawang film na ako rito sa Sinag, parehong Best Actor. So, pangatlo ‘to. Hindi ako umaasa  na manalo ulit. Siyempre, marami naman magagaling. Magagaling lahat.  So, kung sino ‘yung manalo, deserving niya.”

This is the third time na naka-join sa Sinag Maynila si Allen. ‘Yung dalawang unang pelikula na nasali sa Sinag Maynila ay pareho siyang nanalong Best Actor.

Ang iba pang kasali sa full-length category sa Sinag Maynila 5 ay ang “Akin Ang Korona” directed by Zig Dulay, “Jesusa” directed by Ronald Carballo, “Jino To Mari” directed by Joselito ‘Jay’ Altajeros, at “Pailalim” directed by Daniel Palacio.

Ang Sinag Maynila na isang independent film festival na itinatag nina Solar Entertainment producer Wilson Tieng at Cannes International Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza.

Comments are closed.