ALDEN NIREGALUHAN NG RELIGIOUS IMAGE NG KA-LOOK-ALIKE NA PARI

alden richards

KILALA si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa pagiging malapit sa Diyos, showbiz eyekaya hindi kataka-taka na dumalaw sa set ng te­leserye niyang ginagawa sa GMA Network, ang “The Gift,” ang ka-look-alike raw niyang si Fr. Joseph na may dalang religious image bilang regalo sa kanya.

Tamang-tama namang ang character na ginagampanan ni Alden sa inspirational drama series ay Joseph Apostol, o si Sep, mabait na batang napawalay sa kanyang ina noong bata pa siya, at kinupkop ng mag-inang Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Nanay Strawberry (ang little person na si Jo Berry).  Lumaking mabait at masunurin si Sep kaya mahal na mahal siya ng kanyang lola at ina at ng mga kaibigan nila doon sa Divisoria kung saan sila nagtatrabaho.

Isa ngang image ni Sto. Niño ang ibinigay ni Fr. Joseph kay Alden. Kasama rin niya si Fr. Rommel

“Around 1890 or 1900 na ang Image ni Sto. Nino, meaning 100 years old na ito,” paliwanag ni Fr. Joseph kay Alden.  “Nagmula siya sa Spain, dinala sa France at ngayon ay narito na sa museum namin sa simbahan at napagpasiyahan naming ibigay ito sa iyo at sana ay maranasan mo na ito ang tunay na regalo na magpapaalaala sa iyo, na, “He is the greatest gift to us all.”

“The value of this gift is more than priceless,” sabi ni Alden.  “Mas nakaka-motivate po na gumawa ng mabuti.”

Pero hindi lamang ang Image ni Sto. Niño ang regalo nila kay Alden, dahil deboto rin siya ni Virgin Mary, isang libro ng Nuestra Sra. dela Salud or Our Lady of Health ang ibinigay pa sa kanya.  Sa book malalaman ni Alden kung saan siya makakakuha ng image ni Virgin Mary.

Kaya labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa mga natanggap na regalo at siya pa mismo ang nagdala ng Image ni Sto. Nino nang umuwi siya ng bahay mula sa taping kinau­magahan.

Meanwhile ay gabi-gabing sinusubaybayan ng netizens ang “The Gift” at ang gaganda ng mga comments nila na labis nilang nagugustuhan ang serye na dinidirek ni LA Madridejos, at nakikiiyak din sila kay Sep sa kapansanang inabot nito nang mabaril siya sa ulo at nabulag.   Napapanood gabi-gabi ang “The Gift,” after ng “Beautiful Justice.”

MAINE MENDOZA MYSTERIOUS ANG PAGKAKILALA KAY CARLO AQUINO

NATAPOS na rin ang shooting nina Maine Mendoza at Carlo Aquino ng first movie maine mendozateam-up nila ang “Isa Pa With Feelings” ng Blacksheep Productions at APT Entertainment. Tweet ni Maine last Friday morning: “AAAAND IT’S WRAP #IsaPaWithFeelings #SEPANX (October 4, at five in the morning.)

Bago nagtapos ng shooting si Maine, na­ging special guest pa siya sa MOR 101.9 ni DJ Eva Ronda.  Doon natanong si Maine kung ano ang pagkakilala niya sa bago niyang leading man.

“Mysterious!” iyon ang sagot ni Maine.  “Minsan kasi hindi ko alam kung may problema siya, basta tahimik lamang siya, kapag ki­nausap mo naman, sumasagot siya, pero maya-maya pa ang kulit na niya, mahilig niya akong asarin at nagso-sorry siya kapag naiiyak na ako sa inis.

“Pero hindi mo matatawaran ang acting niya.  Napakabait niya, minsan may eksena ako, hindi ko siya kasama, pero nandoon siya, gina-guide niya ako kahit ako lamang ang kinukunan ng camera.  After that, nag-thank you ako sa kanya very much dahil sabi ko hindi ko iyon maitatawid kung wala siya roon.”

Sa October 16 na ang showing ng movie in cinemas nationwide.

Comments are closed.