ALDEN RICHARDS MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD ANG ‘SOCIAL DISTANCING’ SA KANYANG TINDAHAN

NANG payagan pala si Alden Richards na muling i-open ang kanyang McDonalds Binan Highway sa Laguna, last Easter Sunday, reflectionpinangatawanan niyang sumunod ang mga customers sa mga patakaran dahil sa umiiral na enchance community quarantine (ECQ), tulad ng social distancing.

“Maraming salamat po! Maayos na pila, maayos na serbisyo,” sabi ni Alden. “At puwede na rin kayong umorder sa pamamagitan ng Drive-Thru at Take-Out counters dito.” Balitang dinumog nga raw ang McDo store ni Alden dahil matagal din itong nagsara simula noonG March 17 na ibinaba ang ECQ.

DEREK RAMSAY PERSONAL NA NAG-DELIVER NG DONUTS SA MGA FRONTLINER SA MEDICAL CITY

PERSONAL palang dinalhan ni Kapuso hunk actor Derek Ramsay ng ini-endorse niyang Dunkin Donuts ang mga frontliners sa mga hospitals, sabay ang pasasalamat niya: “Sa mga frontliners maraming-maraming salamat po. We are so blessed to have so many heroes out there working so hard and risking their lives for all of us. God bless you.”

Sinagot siya ni @krysty_m Sir @ramsayderek07 all of us from The Medical City ER Department we thank you for taking a visit and bringing your #dunkindonut family… We appreciate it so much.

Hindi pala muna nagkikita ngayong under tayo ng enhanced community quarantine, si Derek at ang girlfriend na si Andrea Torres, na sabi niya ay siya na ang talagang ‘the one’ ang babaeng tunay na nagmamahal sa kanya. Pero araw-araw silang nagbi-video call ni Andrea, at sabay na nagwo-workout. Sa gabi bago sila matulog sabay silang nagpi-pray at last Good Friday, sabay silang nag- Station of the Cross ni Andrea sa video call nila. Ready na kaya sina Derek at Andrea to tie the knot this year?

Mapapanood muli sina Derek at Andrea sa bagong action teleserye na gagawin nila sa GMA Network.

‘Di raw kasali sa mga food pack

KAPUSO MOMSHIES NAG-FUND RAISING PARA SA PANG-GATAS NG MGA INANG MAY SANGGOL

TUWING may mga namimigay ng loot bags sa mga barangay, may mga nagtatanong kung may nakaalaala sa kanila na bigyan ng milk kung may mga sanggol sa pamilyang kanilang binibigyan?

Kaya naman ito ang naisip ng mga celebrity mothers, sa Instagram post nila, “when moms unite, amazing things happen.” Nagkaisa nga sina Camille Prats, LJ Reyes, Chynna Ortaleza at Chariz Solomon, kasama sina Pauleen Luna, Isabel Oli-Prats at Iya Villania-Arellano na simulan ang kanilang “Project: #AlalayKayNanay, a fund-raising campaign to help moms provide needs for their babies and toddlers, during this time ng Enhanced Community Quarantine.

Mahirap talaga para sa mga mothers na wala silang milk para sa mga babies nila. Lalong mahirap para sa mga lactating mothers, kung sa kawalan ng masustansiyang pagkain, hindi sila makapag-produce ng milk para sa mga babies nila.

“We aim to help mothers provide needs for their babies such as milk, food, water, vitamins, hygience and others.”

Kaya tinatawagan din nila ang ibang gustong sumuporta sa kanilang Project #AlalayKayNanay na pwede silang mag-deposit ng kanilang donations sa BDO Savings 002460001084 or sa BPI Checking: 1640002235

For more informations, bisitahin lamang ang official Instagram at Facebook page na #AlalayKayNanay at @alalaykaynanay.