NOONG Sunday evening, February 2, nang makabalik si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards mula sa shoot niya ng bagong TV commercial niya na siya naman ang bagong endorser, sa Thailand.
Kahit ilang araw siyang nag-shoot ng isang actress ng TVC, parang walang kapaguran si Alden na from the airport, tumuloy siya sa isang childrens’ hospital para tuparin ang pangako niya sa isang batang maysakit na dadalawin niya pagbalik niya ng bansa. Hoping and praying si Alden na gumaling ang batang fan niya.
Hudyat na ipapareha kay Dingdong
JENNYLYN MERCADO PINAPUTULAN ANG BANGS
SA KATATAPOS ng mediacon ng pinakahihintay na Philippine adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun,” ipinapanood na ng GMA Network ang pilot episode kaya naman mixed emotions ang naramdaman ng cast dahil talaga namang parang nanonood ka ng movie, todo action ang mga unang eksena at pumasok na rin ang love angle between the Big Boss played by Dingdong Dantes at ni Dr. Maxine dela Cruz or si Beauty, played by Jennylyn Mercado. Si Jen ang nag-comment agad nang makausap after.
“Medyo emosyonal ako, first time naming napanood na buo na ang pilot episode, thank you,” sabay taas ng kamay bilang pasasalamat.
“Ganun pala siya kaganda, di ba? Na-appreciate ko ‘yung puyat at pagod naming lahat, aminin po natin, hindi madali ang mga ginawa namin, lalo na si Dingdong at ang kanyang Alpha team, hindi madali ang ginawa nila, very challenging, ang hirap ng training nila.”
Natanong na si Jen kung alam niyang sa simula pa lamang ng casting ng serye, siya na ang gaganap bilang si Beauty?
“Hindi ko po talaga alam, totoo iyon kaya kapag may nagtatanong sa akin noon, sabi ko, ‘hindi ako, walang sinasabi sa akin ang GMA’. Ginagawa ko noon ang romantic-comedy series namin ni Gabby Concepcion na “Love You Two.” Ang naging hudyat po sa akin nang pinabago nila ang hairstyle ko, pinaglagay nila ako ng bangs, alam ko nang ako nga ang pinili nila, to play the role of Beauty.
“Pero alam ba ninyo na winish ko rin noon, na sana ay ako ang mapili para sa DOTS. Hindi ako fan ng K-drama, pero ang daming nagsasabi na ang ganda ng “Descendants of the Sun.” Although una kong ginawang K-Drama ay ang Pinoy adaptation naman ng “My Love From The Stars.” Kaya nang sabihin nilang ako nga raw ang gaganap na si Beauty, pinanood ko na ang original K-Drama, inaral ko iyung character and sa totoo lang, maganda po talaga. Na-in love ako sa series na iyon, sa role ni Beauty.”
Alam ba ni Jen na either silang dalawa ni Marian Rivera ang gusto ng mga netizens na gumanap sa role ni Beauty? Napag-usapan ba nila iyon ni Marian dahil friends naman sila at nagkakasama dati sa “Sunday PinaSaya?”
“Hindi po. Pero nag-message siya sa akin, binati niya ako, “Congrats, Jen!”
Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang world premiere ng “Descendants of the Sun” ay sa February 10, sa GMA Prime-time Telebabad pagkatapos ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.”
Comments are closed.