SA kanyang IG Live, ay sinabi ng Asia Multimedia actor na si Alden Richards na nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa isang sangay ng militar, ang Phillippine Air Force(PAF).
Ayon kay Alden, kinukonsidera niya ang naturang imbitasyon para maging isang reservist sa PAF. Inaasikaso na ngayon ng aktor ang kanyang showbiz commitments. Isa rin daw ito sa puwede niyang ibahagi bilang isang concerned citizen ng Pilipinas. Bukod pa sa gusto rin niyang maging isang military reservist. Pag nagkataon ay mapapabilang na si Alden sa linya ng ilang mga actor na naging military reservists ng bansa tulad nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Richard Gomez at marami pang iba.
At dahil nahihilig din sa social media, tullad na lang sa pagiging vlogger at online gamer, marami tuloy ang nag-aabang kay Alden na maging isang Tiktoker din, as in gumawa ng sarili niyang Tiktok moves.
Say ni Alden, ang pagiging vlogger nga raw niya ay hindi pa niya masyadong sineseryoso. Hindi pa raw siya marunong mag-edit at tinatamad din daw siya minsan gumawa ng mga blogs, at kailangan niya pa na i-push ang sarili para makagawa ng isa. Kaya pagdating sa pagti-Tiktok ay ibibigay na lang daw niya ito sa kanyang ama na mahilig naman gumawa ng Tiktok. At kung sakaling gagawa raw siya ng Tiktok moves gusto ni Alden na isang inspirational Tiktok ito rather than fun Tiktok.
JANINE GUTIERREZ AT PILITA CORRALES NAGKAAYOS NA
MARAMI ang nagsasabing mini- Pilita Corrales ang kanyang apo na si Janine Gutierrez. Maging sa pagdadala ng kasuotan kering-keri ni Janine ang style ng pananamit ni Pilita noong kasing edad niya ito.
Pero di sa lahat ng bagay ay pabor sa isa’t isa ang dalawa. O di nga ba, naging kontrobersyal ang tugon ni Pilita sa binitiwang comment ni Janine patungkol sa pagbabalik-showbiz ng isang politician-actor na nakulong.
Medyo naging mainit ang isyu sa pagitan ng mag-lola, na on the rescue naman ang maderaka ni Janine. Sa pangyayaring ito ay naging tahimik na bigla ang mag-lola sa issue. Sabi nga, family feud lang yun at magiging maayos din lahat.
At para patunayan sa publiko na wala nang gap ang mag-lola ay pumayag ang Lola Pilita na maging guest sa YouTube channel ni Janine.
Dito ay nagkaroon sila ng Q and A portion. At nang matanong si Pilita kung pabor ba siya sa relasyon ng apo at ng boypren ni-tong si Rayver Cruz? Naging positibo naman ang tugon ni Pilita. Boto raw siya kay Rayver.
Bukod daw sa kakilala niya ito na very talented ay mabait at magalang din daw si Rayver. Nagkasama na ang dalawa sa isang proyekto at nakilala nila ang isa’t isa.
Say pa rin ni Pilita, kakilala niya rin daw ang pamilya ni Rayver pati na rin ang kuya nitong si Rodjun Cruz.
Pagdating sa lovelife ni Janine, magkasundo sila ng apo. O baka naman bumabawi lang si Pilita kasi di siya pumabor noon sa komento ni Janine, di kaya?
Comments are closed.