HANGGANG ngayon ay lubos ang pasasalamat ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa matagumpay na 10th anniversary celebration niya via “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert (AR).”
Record-breaking nga ang nasabing handog ni Alden sa kanyang mga tagasuporta here and abroad dahil ang AR ang kauna-unahang virtual reality concert dito sa Pilipinas. Marami mang naunang virtual concert, si Alden pa lang ang nakagawa ng may virtual reality component.
Mabilis ang fans sa pag-secure ng tickets para sa concert kaya naman di kataka-takang sold-out ang AR na napanood sa tatlong timeslots noong December 8 at 9. Top trending topic din ang hashtag na “AldensReality” sa Twitter Philippines.
Hindi nabigo ang mga nanood dahil isang ‘virtual date’ ang binigay ni Alden sa kanila. Mula sa paggising ba naman ni Alden ay kasama na niya ang concertgoer at may pa tour pa sa loob mismo ng kanyang bahay. May front-row seat din ang ‘date’ ni Alden sa mga song at dance numbers na inihanda niya. Marami rin ang na-touch sa pagbabalik-tanaw ni Alden sa kanyang journey as an artist sa loob ng isang dekada.
Congrats ulit, Alden!
GMA AT NCAA, NAGKAPIRMAHAN NA!
Opisyal na nga ang pagiging Kapuso ng NCAA matapos ang signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng GMA Network at pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) nitong Huwebes, December 17.
Pinangunahan nina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon at President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., na parehong dumalo virtually, ang mga Kapuso executive. Sa panig naman ng NCAA, pinangunahan ito ni Season 96 Policy Board President Fr. Rector Clarence Victor C. Marquez, OP kasama ang iba pang NCAA Policy Board members.
“This team-up with the country’s first athletic league is very much meaningful for us in GMA. We are looking forward to show everyone the world-class talent of our young Filipino student athletes and rest assured that we will only give what is best for them as GMA Network wholeheartedly welcomes NCAA into our home,” pahayag ni Gozon.
Para naman kay Fr. Rector Marquez, ang pagsasanib-pwersa ng number one network at ng first collegiate athletic league ay malaking bagay para sa NCAA. “More than putting ink on paper, this MOA between NCAA and GMA Network is really an act of hope, committing the 10-member schools of the first and longest-running collegiate athletic league in partnership with the number 1 multi-media network, to fulfilling the dreams of our student-athletes to healthy and safe competition, and inspiring our school communities and the entire country towards a better way of engaging and enjoying sports, especially in the context of this pandemic.”
Comments are closed.