ALDUB PINAKASIKAT PA RING LOVETEAM HANGGANG NGAYON

CONGRATULATIONS kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sila pa rin ang pinakasikat na loveshowbiz eye team sa showbiz sang-ayon sa Twitter na inabot ng millions ang mga followers nila from January to April 2018.  Narito ang pahayag ng Twitter Philippines sa achievement ng AlDub love team:

“Congratulations #AlDub @mainedcm and @aldenrichards02 for topping the Twitter chart in January to April 2018.  With millions of followers, they continue to speech hundred of conversations and generate millions of tweets worldwide.”

Last Saturday nga nag-trending ang hashtag na #ALDUBStandingStrong sa “Eat Bulaga” na nagkaroon ng concert si Alden with the Broadway Boys na maraming umiyak nang huling kantahin ni Alden ang sinasabing theme song nila at ng AlDub Nation na “God Gave Me You.”

CONG. VILMA SANTOS-RECTO ENJOY NA ENJOY SA SOCIAL MEDIA

VILMA SANTOSINI-ENJOY ni Cong. Vilma Santos-Recto ang social media.  Nakatutuwa na siya pa ang nag-post sa kanyang @vilmasantosrecto Instagram wall ng: “I am speechless.  Mahigit one day pa lang po naka-upload ang #ViLucky video namin for @puregold­_ph eh umabot na ng 1.5 MILLION VIEWS! Nakaka-touch po talaga lahat kayong nag-view, nag-like at lalo na ang mga nag-share! Parang lahat kayo ay nagregalo na rin sa akin for Mother’s Day. Again, thank you very much po sa mga #Vilmanians, fans ni @luckymanzano, colleagues in the industry, family and friends.  And most especially sa mga nagulat sa pagbabalik ng original “Kembot Queen” – Ms. Maribeth Bichara! Isang masayang reunion po ito para sa ating lahat! Paki-share po sa lahat ng mga mommies na gusto nating mapasaya! Isisigaw kong muli – I love you all #ViLucky  Panoorin ang full video ng panalong sorpresa ni Lucky sa akin sa bit.ly/vilucky2018 (or click the link in my bio).

Iilan pa lamang ang post ni Cong. Vilma Santos-Recto sa kanyang IG, pero umaani nga ng maraming likes ang kanyang  posts, at isa nga rito ang video nila ni Lucky na “Sige Ikembot Mo, Mommy.”

MANILYN REYNES INAMIN NA DUMAAN NA RIN SA DEPRESYON

USO pala ang depression, kahit noon pa, kuwento ni Manilyn Reynes after ng presscon ng bago niyang romantic-comedy series na “Inday Will Always Love You” ni Barbie Forteza.  After palang nagsilang siya noon sa first son niyang si Kyle, nakaranas siya ng anxiety attack or depression.  Bata pa raw siya nang pasukin niya ang showbiz, sa pagkanta, then sa acting na. Nagkasunod-sunod noon ang ginagawa niya at nang magkaasawa at magkaanak siya, parang nabigla raw siya sa pag-withdraw niya sa showbiz at hindi na niya ginagawa iyong mga nakasanayan niya.

“Kaya after that, balik-showbiz na muli ako, at kahit nasundan pa si Kyle na ngayon ay 21 na, ni Kirk, 15, at ang bunso, si Kael, 6, hindi na ako huminto sa mga ginagawa ko,” kuwento ni Manilyn. “Nine years na ang aming “Pepito Manaloto” ni Michael V every Saturday at hindi pa rin ako nawawalan ng ibang serye na kasabay na ginagawa ko sa GMA 7.  I’m now on my 35th year in showbiz, and very thankful sa blessings na patuloy na dumarating sa akin.”

Comments are closed.