ALDUB ROAD TO 1 BILLION TWEETS NALALAPIT NA

ALDUB

TWITTER posted GuinessWorldRecords @GWR, sa pag-recognize nila sa #AlDubEBTamangPanahon showbiz eyenoong Thursday, August 23 na tinawag nilang #hashtagday.

“DYK, the most used hashtag in 24 hours on @Twitter was #AlDubEBTamang Panahon, with 40,706,392 uses from 24 Oct – 25 Oct, 2015, in-spired by a benefit concert by celebrity couple AlDub from the Philippines TV show @EatBulaga #hashtagday

Matatandaan na noon ay ni-recognize naman ng @GWR ang pinakamataas na tweet sa isang araw ay nagawa naman ng AlDub Nation para sa Ta-mang Panahon.

Nag-post naman si @tonette913 “The only Ph “celebrity couple” that made it to the Guiness World Records.  Hope we can make another record when we reach our 1 Billion tweet goal.”

Ang latest count ng HT ALDUB Road to 1B as of August 23, 2018 ay 955,469,805 tweets, meaning malapit-lapit na silang makaabot sa 1 Billion goal nila.

KEN CHAN KINABAHAN SA LOCATION SHOOTING; DAGSA SA GULO

KEN CHANNAGULAT si Ken Chan nang mag-report siya sa taping ng bago niyang afternoon serye na “My Special Tatay” na ang daming tao sa location.  Hindi niya akalaing ganoong karami ang makakasama nila sa demolition scene sa location.  Sa pagtatanong nalaman niyang 500 katao ang aarte sa demolition scene na ipinakita nila ang video ng paluan, tadyakan, suntukan at iba pang sakitan ng mga taong involved sa eksena.

“Kinabahan po ako nang makita ko ang da­ming tao, nandoon din ang buong cast ng serye namin, dahil ipalalabas po ito sa pilot week namin simula sa September,” paliwanag ni Ken. “Ako po rito si Boyet, isang lalaking may intellectual disability na magiging ama. Sana po ay panoorin n’yo kami, dahil isa na namang naiibang advocacy serye ito ng GMA.”

Ang “My Special Tatay” ay muling pagtatambalan nina Ken at Arra San Agustin, kasama pa rin sina Jillian Ward, Bruno Gabriel, Carmen Soriano, Teresa Loyzaga, Candy Pangilinan, Lilet Sebastian, sa direksiyon ni LA Madridejos at sila ang papalit sa matatapos nang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” sa Setyembre 1, 2018.

SUNSHINE CRUZ AT BING LOYZAGA INAABANGAN ANG MATINDING PAGKIKITA

SUNSHINE CRUZ -BING LOYZAGAINAABANGAN lagi ngayon tuwing umaga ang morning teleserye na “Kapag Nahati Ang Puso” dahil bukod sa magandang story, napakahuhusay ng mga gumaganap.  Laging inaabangan ang pagkikita nina Sunshine Cruz as Rio at Bing Loyzaga as Miranda.  Isa ring inaaba­ngan ‘yung magta-topless si Benjamin Alves na katambal naman ni Bea Binene. Minsan nang lu­mabas ng ganito si Benjamin at ngayon ay laging hinahanap ng mga netizen ang eksenang iyon.

Tampok pa rin sina Zoren Legaspi, David Licauco, Nar Cabico at napapanood ito tuwing 11:30 am, bago ang “Eat Bulaga.”

Comments are closed.