UMANI ng papuri mula sa mga senador si Philippine tennis sensation Alex Eala matapos maging unang Pilipinong magwagi sa Grand Slam singles title.
Sa isang nagkakaisang boto, pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution No. (SRN) 199, bilang pagsasaalang-alang sa mga iminungkahing SRNs 201 at 202, na pinupuri at binabati si Eala sa pagkapanalo ng 2022 girls’ junior grand slam singles crown ng ang US Open Tennis Tournament sa New York City, USA noong Setyembre 10, 2022.
Pinuri ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, sponsor ng panukala, ang pagpapakita ni Eala ng mahusay na pagganap nang talunin niya ang World No. 3 at reigning junior French Open champion na si Lucie Havlickova ng Czech Republic upang makuha ang unang grand slam na panalo ng bansa.
“Mr. President, Alex’s very young age speaks volumes about the power of our young athletes, given the necessary support and assistance they need,” ayon kay Villanueva.
“Have we ever realized, Mr. President, how many Alex Ealas we can produce by reaching out to more aspiring young Filipino athletes who lack the means to support themselves? Alex awakens our awareness, and we should keep that awareness alive,” dagdag pa niya.
Para naman kay Zubiri, dapat magsilbing inspirasyon ang pagkapanalo ni Eala sa ibang atleta.
Pinuri rin nina Senators Nancy S. Binay, Christopher “Bong” Go, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Sonny Angara, ang bagong koronang US Open girls singles champion sa plenary session.
Bata pa lamang si Eala nang magsimulang makipagkompetensya sa mga paligsahan. Ginamit ni Eala ang kanyang napakalawak na talento at potensyal para makakuha ng gintong tiket para magsanay sa Rafa Nadal Academy sa Manacor, Spain.
“Her triumph in the 2022 US Open is a result of her hard work, discipline, dedication, and perseverance, and as she perfectly puts it in her victory speech, her championship is one that she wholeheartedly won, not just for herself but for the future of Philippine tennis, and one that represents not just her victory, but of the Filipino people as a whole,” ayon sa resolusyon.
“The Philippine Senate finds it fitting to pay tribute to outstanding Filipinos for their remarkable contribution, which gained international recognition, thereby bringing glory and honor to our country,” dagdag pa nito. LIZA SORIANO