NITONG nagdaan na Season ng PBB Pinoy Big Brother ng Kapamilya Network, tanging si Alexa Ilacad lamang ang may pangalan sa mga nakapasok. Yung iba, mga walang name o wala pang napatunayan sa television at pelikula.
Busy si Alexa sa mga projects bago pa man ito nakapasok sa loob ng bahay ni Kuya, kaya naging maingay ang PBB house. Nakilapa rin ng ibang wa name tulad ni Eian something. Kumbaga, nagamit ang name ni Alexa. Pero sa pagbabalik niya sa outside world, mas malawak pa ang mundo nya. Mas maraming opportunities na naghihintay sa kanya. Mas maraming tao ang willing magtiwala sa kanya, lalo pa ngayong mas nakilala na siya kung sino talaga siya. Kaya plano ng ABS-CBN ngayon na sa mas paangatin pa ang career niya. Sangkaterbang proyekto ang naka-line-up ngayon para kay Alexa dahil total package naman ang lola nyo. Magaling siyang umarte, sumayaw at kumanta. May talent, kaya hindi talaga siya pakakawalan ng Kapamilya network.
NET 25 NAMIGAY NG 1-M AT BRAND NEW CAR SA NEW YEAR COUNTDOWN
WOW na wow talaga ang nakaraang NET25 New year’s Countdown dahil sa pamimigay ng pera at sasakyan. Isang milyong piso at isang brand new car ang panalo ng mga sasali sa kanilang pa-contest na selfie with the Aguila.
Ang saya-saya ng kanilang countdown dahil sa dami ng mga celebrities na nakisaya kabilang na ang magkakapatid na Quizon, Ruru Madrid, Calla Lily, at Jay Durias Nag-selfie lang sa kanilang television, nagkaroon na agad ng isang milyon. First time nangyari na sa isang countdown ay may namigay ng salapi at sasakyan. Ang swerte ng mga nanalo at napakaganda ng pagbubukas ng kanilang bagong taon.
Patuloy na umaangat ang rating ng NET25 sa dami ng kanilang pakulo at mga bagong programa. Kaya naman marami na ang nanonood sa kanilang station. Kaya abang lang kayo sa iba pang promo ng NET25.
MAKABAGONG MAMAYAN, MANGINGISDA AT MAGSASAKA
Nakadaupang palad namin si Oscar Garchitorina Arcilla na tumatakbong Senador ng bansa. Kababayan ko siya from Bicol Region. Isa siya sa mga maasahang pulitikong may mga nagawang proyektong pinakikinabangan ngayon ng mga taga Bicol. Siya ang nagtatag ng proyektong MAKABAGONG MAMAYAN, MAKABAGONG MANGINGISDA AT MAKAGABONG MAGSASAKA, isang programang maunlad na ngayon. Subok sa serbisyo ang taong ito, kaya susubukan niya ngayong makaupo sa Senado.