ALEXA IPINAGYABANG NA FRIEND NIYA SI MARIAN RIVERA SA IG

OVERWHELMED talaga si Alexa Ilacad nang i-like ng idol niyang si Marian Rivera ang kanyang Instagram post. Kahit Kapamilya actress si Alexa, vocal siya sa pagsasabing idolo niya si Marian na isa namang Kapuso.

Nitong New Year, nag-post si Alexa tungkol sa “strong woman,” gamit ang quote ni American author R.H. Sin bilang caption: “Sometimes an angel, sometimes a hell raiser, always a strong woman,” at isa sa mga nag-like ang idolo ni Alexa na si Marian.

Taong 2015 pa pala fan ni Marian si Alexa kaya tuwang tuwa siya nang mag-like si Marian. Consodered na raw na friend niya ito – sa Instagram.

Noon daw June 2, 2015 ay nag-post si Marian at nagkomento si Alexa ng “I love you idol.” Sumagot si Marian dito sa pamamagitan ng pag-tag kay Alexa. Nag-follow rin si Marian kay Alexa.

Kahit may pangalan na rin ngfayon si Alexa, nananatili pa rin siyang tagahanga ni Marian at ipinagmamalaki niya ito.–  KNMartin