ALFREDO LIM, BIDA NG MAYNILA

alfredo lim

NOONG August 8, 2020, sumakabilang buhay si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim dahil sa kumplikasyong dala ng COVID-19.

Noong 1992, naging mayor si Lim ng Maynila, at nagsilbi ng dalawang magkasunod na termino. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1998, ngunit natalo, at noong 2000, itinalaga siya ni dating Philippine President President Joseph Estrada na Kalihim sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Taong 2001, tumakbo uli siyang mayor sa Maynila ngunit natalo siya ni Lito Atienza. Sa 2004 national elections, tumakbo naman siyang senador at sa pagka-kataong ito ay nanalo na siya. Matapos ang tatlong taong panunungkulan bilang senador, nag-resign siya para mu­ling tumakbong mayor sa Maynila, at muli siyang nanalo, at muli siyang nagsilbi ng dalawang magkasunod na termino mula 2007 hanggang 2013. Natalo siya sa 2013 at 2016 mayoralty elections ni dating pangulong Estrada.

Pero noong 2019, pareho siya at si Estrada ay natalo ni Isko Moreno, na kapwa naging vice mayor nilang dalawa.

Isinilang si Lim noong December 21, 1929, nagtapos ng elementarya sa P. Gomez Ele­mentary School noong 1943, at high school sa Far Eastern University noong 1948.

Nakapagtapos siya ng Bachelor’s Degree in Business Administration noong 1951 at Bachelor of Laws noong 1963 sa University of the East, pero tinapos niya ang kanyang Master’s Deg­ree in National Security Administration na may karangalan sa National Defense College of the Philippines noong 1981. Naging miyembro siya ng Philippine Bar noong 1963 at nagsilbi sa Integ­rated National Police sa loob ng 30 taon.

Noong 1984 hanggang 1985, siya ang Superintendent ng Phi­lippine National Police Academy at Director ng Western Police District. Nagretiro siya bilang Major General kaya mas kilala siya sa katawagang General Lim kesa mayor Lim o Senator Lim.

Naging director din siya ng National Bureau of Investigation in 1992. — NV

92 thoughts on “ALFREDO LIM, BIDA NG MAYNILA”

Comments are closed.