ALISIN ANG MAY DIPERENSIYA

SABONG NGAYON

STRICT selection is a very important factor and it is mandatory to remove all chicken that does not qualify to our standard (dapat shoot sa balde).

“To be honest, the best treatment to any form of sickness is patayin!” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung talaga pong matigas ang ulo dapat ‘yung nagkasakit doon ninyo ilaban sa nagkasakit din at ‘yung may diperensiya sa may diperensiya rin kasi po ‘yung ‘di nagkasakit ay natatalo, eh ‘di lalo na po ‘yung sakitin,” dagdag pa niya.

Ang pangunahin pong dahilan kung bakit nagkakasakit ang ating mga alagang manok ay ‘yung siksikan o masikip ang lugar na pinaglalagyan at kung hindi mo sila lilinisan.

“Wala pong magagawa ang kumpletong bakuna at gamot na iyan kung hindi nababagay sa dami ng iyong alaga ang lugar na kanilang pinaglalagyan,” ani Doc Marvin.

Para makuha natin ang tamang sukat na tumatama sa dami ng ating alaga ay palagi nating isipin na magpalit tayo ng katayuan ng ating mga manok, tayo ang ilagay sa lugar na doon tayo kumakain, dumudumi, umiihi at natutulog tapos hindi nililinisan. Ano kaya ang mararamdaman natin?!

“Para sa akin ay natatanggap ko po na matalo ang aking manok sa labanan kasi iyon naman ang kauna-unahan kong natutunan pero ang hindi ko kayang tanggapin ay ‘yung araw-araw ay napakaduming kapaligiran ng manok!” ani Doc Marvin.

Kapag lumalaki na po ang mga pullet na gusto nating gamitin as breeding materials ay importante po separate na natin sila 6-7 months of age. Always group them according to size not according to age kasi nagpapaluan na iyan lalo na sa oras ng kumakain.

“Bakit hindi mo subukan na ikaw ay habang kumakain ay tatadyakan at dadagukan, ewan ko lang kung hindi ka mabansot,” ani Doc Marvin.

“Mabilis ang kanilang paglaki at makikita mo ‘yung kanilang full body development, angulation kung sila ay malaya sa kanilang pinaglalagyan at naiiwasan po ang injury at mga sakit sakit na iyan,” dagdag pa niya.

Anya, ang tamang sukat at dami ng aalagaan ay dapat po nababagay sa lugar na pinaglalagyan at ‘yung kaya lang maalagaan.

“Kung mayroon kang kinaiinisang tao na gusto mo pahirapan ay turuan mo siyang mag-breed!” ani Doc Marvin.

Comments are closed.