LAGUNA – NAUWI sa pamamaril ang matagal na umanong alitan ng isang magbalae na ikinasawi ng mag-asawa sa Brgy. San Diego, Lungsod ng San Pablo.
Kinilala ni PLt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng pulisya, ang biktimang sina Arthur Laydia, 49, at kabiyak nitong si Belen, 50, pawang mga residente ng Lungsod ng Tiaong.
Sinasabing magkasunod na binawian ng buhay ang mga ito bunsod ng tinamong mga tama ng bala mula sa kalibre 38 baril na ginamit ng naarestong suspek na si Edwin Oroy Brioso, 50.
Batay sa pagsisiyasat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magkita ang suspek at mga biktima sa taniman ng gulay sa lugar.
Matapos nito, inaya umanong mag-inom ng suspek ang biktimang si Laydia nang hindi inaasahang magtalo ang dalawa na nauwi sa pamamaril.
Agaran umanong nagbunot ng kalibre 38 baril ang suspek saka malapitang pinagbabaril ang magkabiyak hanggang sa bawian ang mga ito ng buhay.
Naaresto ni Bernales ating kanyang mga tauhan ang papatakas na suspek samantalang wala na ang ginamit nitong kalibre 38 baril na hinihi-nalang itinapon nito sa hindi pa mabatid na lugar. DICK GARAY
Comments are closed.