Inaasahang makikita na sa himpapawid ang mas pinalinaw at pinakabagong myembro ng media ng group ng Aliw Broadcasting Corporation, ang Aliw Channel 23.
Nakatakdang ilunsad ang Aliw 23 na may temang “Reaching And Engaging More Filipinos Nationwide And Worldwide”, sa June 23, 2023 sa The Podium Hall, Mandaluyong city.
Kasado na ang mga segment at programa na siguradong patok sa panlasa ng mga Pilipino kagaya ng libreng legal advice. Tiyak na magiging kumpleto ang television experience ng mga manunuod.
Siniguro ni Dennis Antenor Jr. Vice President For Business Development ng Aliw Broadcasting Corporation na patuloy magseserbisyo ang Aliw sa publiko sa pamamagitan ng pagbabalita ng tama.
“Rest assured, ipagpapatuloy namin ang dekalidad na pagbabalita para mga Pilipino”, dagdag ni Atty. Mcneil Rante, Executive Vice President and General Manager ng Aliw Broadcasting Corporation tungkol sa pag-launch ng Aliw 23.
Bukod sa Aliw 23 Launching, maaari na rin maging interactive o sumali ang mga taga-pakinig at taga-panuod ng iba’t ibang programa ng Aliw Broadcasting Corporation sa pamamagitan ng pinalakas nitong digital accounts.
Ang Aliw 23 ay isang free-to-air channel na maaaring mapanuod ng libre o walang subscription sa inyong mga black box.
-Larmaine D. Barretto