(Alok ng DICT habang naka-quarantine) LIBRENG ONLINE COURSES

DICT

ISANG libreng online training program ang inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon sa DICT, layunin ng kanilang libreng online course o ang tinatawag na webinars na mabigyan ng pagkakataon ang mga Filipinong apektado ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na matuto o mapaunlad pa ang kanilang mga kaalaman.

Sinabi ni DICT Assistant Secretary Emmanuel Rey Caintic na kabilang sa mga iniaalok nilang libreng onlice courses ang social media marketing, comprehensive affiliate marketing track at digital governance.

Ang online classes ng DICT ay nagsimula noong Abril 16. DWIZ 882