BUKOD sa pag-aalok ng trabaho, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay maglalagay ng mahigit 20 “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa” outlets sa paggunita sa Labor Day sa May 1.
Ayon sa DOLE, ang 21 Kadiwa stalls ay ilalagay sa venues ng job fairs sa buong bansa simula sa Linggo para direktang maibenta ng mga entrepreneur ang kanilang mga produkto sa mga consumer.
Ilan sa mga produkto mula sa 606 enterprises at 1,223 sellers ay mga gulay; prutas tulad ng saging, mangga, at pinya; bigas; fresh, dried, at smoked fish; meat products; itlog; asukal; at dairy products.
Mayroon ding cacao products; processed foods tulad ng longganisa (local sausage); suka; crab paste; pickled vegetables; processed garlic; chili flakes; at noodles.
Ang Labor Day Kadiwa sites ay ang mga sumusunod: NCR – SMX Convention Center, Pasay City (April 30) Region 1 – Farmer’s Livelihood Development Center, Vigan City, Ilocos Sur (May 1); CSI Atrium, Lucao, Dagupan City, Pangasinan (May 1) Region 2 – SM City Tuguegarao – Brgy. Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan (May 1 & 2) Region 3 – Astro Park, Balibago, Angeles City, Pampanga (May 1-2); Administration Building parking area, Freeport Area of Bataan, Mariveles, Bataan (May 1-3) CALABARZON – Ynares Center, Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal (May 1) MIMAROPA – Provincial Capitol Complex, Calapan City, Oriental Mindoro (May 1) Region 5 – Ayala Malls, Rizal St. corner Quezon Ave. Kapantawan, Legazpi City (May 1)
Region 6 – Robinsons Place Iloilo (May 1) Region 7 – Robinsons Galleria, Cebu City (May 1); HPG area, Lamberto Macias Compound, Dumaguete City, Negros Oriental (May 1) Region 8 – Tacloban City Convention Center (May 1) Region 9 –Zamboanga Peninsula Polytechnic University covered court, Zamboanga City (May 1) Region 10 – SM CDO Downtown Premier (May 1-5) Region 11 – Rizal Park- Poblacion District, Davao City (May 1-2); ALU Southern Mindanao Regional Office-Roxas Ave., Davao City (May 1); TADECO- Panabo City, Davao del Norte (May 16) Region 12 – City Gymnasium, Kidapawan City Hall Compound, Cotabato Province (May 1) Caraga – Almont Inland Resort, Butuan City (May 1).
Ang “Kadiwa ng Pangulo” ay isang partnership sa pagitan ng Office of the President, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, DOLE, Department of the Interior and Local Government, at ng local government units.
PNA