(Alok ni Duterte sa  mga susukong rebelde) PABAHAY, TRABAHO, PAG-AARAL

duterte

MULING  nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi­yembro ng New People’s Army (NPA) na  magsisuko na.

Ito ay kasabay ng planong muling buksan ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDFP).

Kapalit ng pagsuko ng mga rebelde  ang kaloob na pabahay, trabaho, at libreng edukasyon sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon sa Pangulo,  puwedeng maging kapaki-pakinabang sa lipunan ang mga susukong rebelde, lalo na sa construction industry.

Marami aniyang skilled workers tulad ng electricians, plumbers, at construction workers ang gustong magtrabaho sa Middle East dahil sa mataas na sahod, kaya kulang ang manpower ng construction industry sa bansa.