NASA 7,000 trabaho ang naghihintay sa mga job seeker.
Kaugnay ito sa idaraos na job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Tourism (DOT).
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, ang job fair na may temang “Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair” ay isasagawa sa Manila, Cebu, at Davao mula September 22 hanggang 24.
Magkakaroon ng online pre-registration sa mga nais na lumahok sa job fair.
Ayon kay Frasco, kabuuang 7,510 job vacancies mula sa 147 kompanya ang iaalok sa job fair.
LIZA SORIANO