MAGSISIMULA nang dumating sa huling linggo ng buwan ang alternatibong petrolyo na magpapalakas sa strategic petroleum reserve (SPR) ng bansa.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, dahil dito ay madadagdagan na ang imbak ng petrolyong maaaring ibenta ng mga kompanya ng langis.
Paliwanag ni Cusi, kailangan ang sapat na imbak ng langis lalo’t nananatili pa rin ang sigalot sa pagitan ng mga bansang pinag-aangkatan ng Pilipinas gaya ng Venezuela at Iran, habang mas mahal naman ang presyuhan ng langis sa Europa.
“The Philippine National Oil Company-Exploration Corporation is scouting for several sources,” sabi pa ni Cusi.
“Hindi lang Russia ang tinitingnan natin. Russia is an option. There are other options that we’re looking at. PNOC-EC is looking towards the end of June na dumating ang first shipment,” dagdag pa niya.
Samantala, plano namang gawing imbakan ng paparating na alternatibong petrolyo ang storage facility sa Subic, Quezon at iba pang lalawigan sa bansa.
Comments are closed.