AMERICAN FUGITIVE NASAKOTE NG BI

DAVAO CITY- INAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American fugitive na wanted dahil sa paglabag ng probation na ipinagkaloob sa kanya ng Estados Unidos.

Kinilala ni Commissioner Jaime Morente ang puganteng si Richard Edward Vukelic, 57-anyos na nadakip ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) at ng BI Mindanao Task Group (MITG).

Ayon kay Morente, naaresto ang suspek sa pakikipagtulungan ng US authorities upang agad itong mai-deport sa kanilang lugar kaugnay sa kasong kinakaharap.

Nabatid na kinasuhan ang dayuhan dahil sa pagmamaneho ng lasing at illegal discharge of firearms habang nasa kalsada.

Si Vukelic ay pansamantalang nakakulong sa BI Detention Facilitiy sa Davao City, habang inaantay ang deportation order mula sa BI Board of Commissioners. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.