POSIBLENG maipatupad na ang amnesty program para sa mga delinquent taxpayer bago matapos ang taon sa sandaling maipasa ang nakabimbing panukalang batas hinggil dito sa susunod na buwan.
“To prepare for conditions of high growth and more intensive economic activity, we need to prepare our systems and institutions. This is the reason why we are pushing ahead with the succeeding packages of the tax reform program,” wika ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa kanyang talumpati sa 65th national convention ng Rural Bankers Association of the Philippines sa Davao City kahapon.
Ayon kay Dominguez, umaasa ang Department of Finance (DOF) na maipapasa na ang tax amnesty bill sa Kongreso sa Hunyo.
Ang 17th Congress ay magbi-break simula sa Hunyo 2 at magbabalik sa Hulyo 23, kung kailan ihahayag ni Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).
Ang tax amnesty program ay nakapaloob sa tax reform package ‘1B’, isang offshoot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa ilalim ng Republic Act No. 10963 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang Disyembre.
Bukod sa general tax amnesty, ang package 1B ay kinabibilangan din ng estate tax amnesty, mas mataas na motor vehicle user’s charge, bank secrecy relaxation, at automatic exchange of information.
Ilang bills sa tax amnesty ang nakabimbin sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Inaasahang nasa P40 billion ang madaragdag sa kita ng gobyerno ngayong taon sa sandaling maipasa ang package 1B.
Comments are closed.