ANA JALANDONI-KIT THOMPSON, PSYCH CASES

PAREHONG na­ngangailangan ng psychological help sina Ana Jalandoni at Kit Thompson, ito ang pahayag ng isang lisensyadong duktor ng sikolohiya.

Si Ana, bilang biktimang nakaranas ng stigma ng pang-aabuso, at si Kit upang malaman kung ano ang sanhi ng pang-aabuso niya.

Ayon sa duktor, kailangan ni Ana ang professional help dahil sa panahong ito ay siguradong nakakaramdam siya ng panghihina ng loob para ilaban ang kaso.

Hindi rin naman umano dapat husgahan agad si Kit dahil hindi natin alam kung ano ang kanyang pi­nagdadaanan.

Dalawang kaso ng violation of Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC) ang kakaharapin ni Thompson dahil sa pambubugbog kay Jalandoni, ayon kay Atty. Faye Singson. Sasampahan din umano ito ng frustrated homicide at serious illegal detention. (Baka pwede rin ng grave threat dahil binantaan ni Kit si Ana na papatayin kapag nakipag­hiwalay ang huli.)

Aminado si Kit na may “anger management problem” siya, pero hindi ito sapat na dahilan para malusutan niya ang mga kaso.

Ayon sa mga psychologist, normal lang na magalit ang tao, pero nagiging problema ito kapag sumasailalim na sa apat na klasipikasyon: distress, deviance, dysfunction, at danger. Sa pakikipagrelasyon, kung sa umpisa pa lamang ay nananakit na ang kasama, siguradong may problema.

KIT NAG-SORRY KAY ANA

Nag-message daw ng apology si Kit kay Ana via Instagram hinggil sa pambubugbog dito noong March 18.

Pero sa ngayon, hindi pa umano niya mapapatawad ang dating karelasyon, kahit aminado siyang mahal pa niya ito. Gayunman, wala umano siyang balak makipagbalikan kay Kit.

“Ayusin niya ‘yung buhay niya. Matuto siya sa mga pagkakamaling ginawa niya. Kailangan niya ng tulong,” ani Ana.

Dahil umano sa nangyari ay nawalan siya ng tiwala sa kanyang sarili, mabuti na lamang at full support sa kanya ang kanyang mga kaibigan at kaanak.

DINGDONG DANTES HINDI TYPE NI MARIAN RIVERA DATI

Hindi pala type ni Marian Rivera si Dingdong Dantes noong una silang nagkita sa audition ng GMA TV series na “Marimar.” Wala raw kasi silang time na magpa-cute sa isa’t isa.

“Walang magic, walang spark. Wala talaga,” ani Marian.

Pero eventually, nakita umano niyang mabait pala si Dingdong at niligawan nga siya at naging sila, at nagpakasal pa – at heto, may dalawa na silang anak na sina Zia at Sixto. Sa totoo lang, ni hindi raw niya inisip na si Dingdong ang magiging asawa niya.

 

 

CHARLIE DIZON OKAY KAHIT SINO’NG PARTNER

Para kay award-winning actress Charlie Dizon, ang pinakamahirap na bahagi ng pagkakaroon ng love team ay pagkakaroon ng chemistry.

Halimbawa na lamang, sa drama series “Viral Scandal” kung saan kapareha niya si Joshua Garcia – kailangang click sila.

Sa drama antholo­gy namang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), partner niya si Kiko Estrada, at okay rin naman umano ang tandem nila. Mas madalas daw na siya ang guma­gawa ng move para ma­ging malapit sila ng partner niya, pero wala pa umano siyang nakakasamang mahirap pakibagayan. Kahit daw si Paulo Avelino na partner niya sa movie na “Fangirl,” at Jameson Blake na kasama naman niya sa “Four Sisters and a Wedding,” at “Sunset Girl” ay okay na kasama.

Noong una raw, med­yo nahihiya siya kay Kiko dahil hindi pa sila nagkikita, pero nang magkita sila, okay lang naman. Masarap katrabaho si Jake dahil dedicated actor ito.

ATE VI, RODERICK PAULATE NAG-EMO SA MET

Naiyak talaga si Lipa Representative Vilma Santos-Recto nang dalawin niya ang bagong renovate na Manila Metropolitan Theater (MET) sa Maynila kasama si Roderick Pau­late at iba pang dating kasamahan sa musical-variety show na Vilma!

Nagkita rin sila nina Chit Guerrero at si Maribeth Bicharra, kaya hindi nila maiwasang mag-reminisce ng mga karanasan nila habang ginagawa nila ang Vilma!, ang programa ni Vilma sa GMA-7 na umere mula taong 1986 hanggang 1995.

Sinariwa rin ng Star for All Season kung paanong nagtitiis ang kanyang mga fans na pumila at hindi kumain ng tanghalian makapanood lamang ng kanyang show.

“May mga nanggagaling sa probinsiya, hindi kumakain, just to see you,” ani Ate Vi. “So, talagang malaking bagay yung makamayan ko sila. Yung makita nila ako nang malapit at mahawakan.”

Nang makita nga raw ni Ate Vi ang newly renovated MET, parang nag-flashback sa kanya lahat ang mga masasayang araw nila roon, pati na rin ang mga awayan at iba pang kadramahan. Kung suswertihin, gusto raw niyang makapag-show uli sa MET.

“Given a chance to celebrate my 60 years in showbiz… gusto ko sa MET! Tho, nothing is final yet.

“Sana… sana… sana! [thumbs up, pray, smile, heart emoji] landmark na din sa TV career ko ang MET. Memorable!” dagdag pa niya.

JUDY ANN SANTOS INISNAB NG HINDI SIKAT NA LOVE TEAM

Hindi makapaniwala si Judy Ann Santos na ni hindi siya binati ng isang young love team na ayaw niyang pangalanan dahil baka sumikat pa.

Ani Juday, medyo kilala na rin naman sila at hindi naman sa naghahanap siya ng atensyon, pero mahalaga para sa kanya ang pakikisama at respeto sa kapwa artista. “Marami rin namang artistang di hamak na mas sa kilala sa kanila that time. Hindi na ‘yung respeto sa status e, ‘yung respeto lang sa nakakatanda.”

Paalala ni Juday, instinct yung batiin at res­petuhin hindi lang ang kapwa artista kundi pati production staff.

“Act of gratitude ‘yun,” dagdag pa niya. “Mas malaki ‘yung kinikita ng mga artista sa mga gaffers, staff and crew, yet, ang trabaho nila, times 10 sa ginagawa natin.”