MAYNILA – TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makatatanggap ng financial assistance ang mga anak ng Filipina na namatay sa vehicular accident sa Singapore.
Si Abigail Danao Lesta ay isa sa namatay matapos araruhin ng isang kotse noong Disyembre 29 sa isang shopping mall sa Singapore.
Dumating ang labi ni Abigail noong isang Linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines (PAL) galing sa Singapore.
Bukod sa financial assistance, pagkakalooban ng pamahalaan ng schoolarship ang dalawang anak ni Abigail na sina Jackelyn at Jhef .
Agad namang iniuwi ang labi ni Abigail sa Tuguegarao, Cagayan kung saan ito ihihimlay.
Bukod kay Abigail, apat pang OFWs ang nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan dahil sa nasabing trahedya. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.