ANAK NI KA ROGER, 4 PA DEDO SA ENGKUWENTRO

pinagbabaril

PALAWAN- NAPATAY sa engkuwentro ng mga elemento ng Joint Task Group South at Marine Batallion Landing Team 4 ng Western Command ang limang kasapi ng New People’s Army (NPA) kabilang ang anak ni Gregorio “Ka Roger” Rosal, dating spokesman ng CPP-NPA kahapon ng umaga sa Brgy Mainit, Brookes Point ng lalawigang ito.

Kinumpirma ni Brig Gen. Nestor Herico, commander ng 3rd Marine Brigade na dakong ala-6 ng umaga nang makasagupa ng mga sundalo ang may 20 miyembro ng rebeldeng komunista sa naturang barangay.

Ayon kay Herico, na engkuwentro ng Force Reconnaissance  ang grupong pinamumunuan ng isang Bonifacio Magramo, secretary ng CPP-NPA ng Southern Tagalog Regional Party Committee na namatay kasama sina alias Naya o Andrea Rosal na anak ni Ka Roger, alias Boywan, alyas Celnon at  Pandan Jay-R .

Gayundin, sinabi ni Col. Stephen Penetrante, spokesman ng AFP Western Command na may isang tauhan ng Philippine Marines ang napatay nang tangkain nitong habulin ang iba pang tumatakas na NPA.

Narekober sa clearing operation ang ilang mataas na kalibre ng baril,  laptops, cellphones, hard drive at mga subersibong dokumento. VERLIN RUIZ

Comments are closed.