ANAK NINA BONG REVILLA AT LANI MERCADO, NAGING DUKTORA DAHIL SA LOLO

Certified doktora” na ang anak nina Bong Revilla at Lani Mercado na si Franzel Loudette Bautista.

Pangarap pala ng namayapang Ramon Revilla Sr., tatay ni Bong, na magkaroon ng duktor sa pamilya.

Pumasa sa physician licensure board exam si Loudette kamakailan kaya proud parents naman sina Bong at Lani.

Ala-una raw ng madaling araw ng Sabado nila natanggap ang magandang balita. Sa sobrang tuwa nga raw nila ay ginising nila ang lahat para batiin si Loudette. Naiyak pa raw ito nang mabasang pasado siya sa board exams, kaya naiyak na rin sina Bong at Lani.

“I’m so happy of my daughter Loudette,” ani Bong. “Talagang meron na tayong certified doctor. Kaya haping-happy kami ni Mama (Lani). Thank You Lord!”

Pero sigurado raw na mas natutuwa  ang namayapa niyang ama, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr., dahil ito ang may gustong magkaroon ng duktor sa pamilya.

“Nakakatuwa, may anak na akong doktor, abogado, congressman,” pagmamalaki pa ni Bong. “Pangarap talaga ng daddy ko na magkaroon ng doktor [na anak].

“Hindi namin nakuha yun… Wala sa amin nakakuha nun. Ang anak ko ang nakakuha.

“Lahat… si Andeng nag-PreMed yan. Tapos, lahat kami gusto niya mag-doctor, e wala talaga sa amin,” dagdag pa niya.

Si Andeng ay ang kapatid na si Andrea, na asawa naman ni Jun Ynares ng Rizal.

Mas masaya pa raw si Bong ngayon kesa nang nanalo siyang senador. “Ang sarap ng pakiramdam,” aniya.

Supersaya din daw si Cong. Lani.  ↓

“It’s all up to our children what will they do with the opportunities God has given them,” ani Lani.

“I’ve been taught by my parents na ang report card ko kay God is how I will raise my kids. So I think masaya si God. I have raised my kids well. To God be the Glory.””

Ang abugadong anak naman nina Sen. Bong at Cong. Lani na si Atty. Inah Bautista-del Rosario ang campaign manager ngayon ni Sen. Bong.

Congratulations Sen. Bong and Rep. Lani.