Inilabas na sa wakas nina Coco Martin at Julia Montes ang cute nilang anak na si Zia Grace Martin, patunay na lantaran na nilang ipinahahayag ang kanilang relasyon kahit walang berbal na pag-amin. Action speaks louder than voice.
Unang nakita ang bata sa Puerto Princesa, Palawan kamakailan, kasama sina Sam Milby at Julia. May bagong proyekto kasi ang dalawa sa ABS-CBN, ang TELEseryeng “Saving Grace.”
Mabilis kumalat ang larawan, na pinik-ap agad ng mga netizens at showbiz correspondents.
Noong una ay inakala ng maraming anak ni Sam ang bata, ngunit napakalaki ng pagkakahawig nito kay Coco, kaya ipinalagay ng maraming ito ang itinatagong anak nina Julia at Coco.
Yet, kahit nakita na ng publiko ang batang si Zia Grace, no comment pa rin sina Julia at Coco. Kahit nga ang relasyon nila, walang kumpirmasyon. Ngunit nakikita naman ng lahat kung gaano inaalagaan ni Coco si Julia.
Magazines nga tayo ng konti. Ano kaya ang arrangement ng dalawa? At sino kaya ang may gustong manatiling misteryoso ang kanilang relasyon?
RLVN