LOS ANGELES — Napanatili ni undefeated Fernando Martinez ng Argentina ang International Boxing Federation junior bantamweight title makaraang gapiin si dating champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas via unanimous decision.
Naidepensa ni Martinez ang korona na kanyang inagaw kay Ancajas noong February sa judges’ scores na 119-109, 118-110 at 118-110 sa championship rematch sa Carson, California.
“This was a validation of the first fight,” pahayag ni Martinez sa pamamagitan ng isang translator. “Definitely the training was very hard. I prepared really well.”
Umangat si Martinez sa 15-0 habang bumagsak si Filipino southpaw Ancajas sa 33-3 na may 2 draws at 22 knockouts.
“I’m ready for anyone. My record shows I’m a champion,” ani Martinez.
Mas nahirapan ang South American fighter sa pagdepensa sa world crown sa unang pagkakataon kaysa sa pagwawagi nito.
“It’s harder definitely to maintain that hunger and maintain the title,” aniya.
Naagaw ni Martinez kay Ancajas ang IBF crown sa 115-pound division noong February via unanimous-decision victory sa Las Vegas, na pumutol sa 21-bout, decade-long unbeaten streak ng Pinoy pug.
Ginamit ni Ancajas, siyam na beses na naidepensa ang titulo na kanyang napanalunan noong 2016, ang rematch clause para sa pagkakataong mabawi ang korona.