OFFICIALLY, isang ganap nang Kapuso ang hunk actor na si Derek Ramsay. Matagal-tagal na rin naman ang balitang ito pero, kahit lang naganap ang pirmahan ng exclusive contract between sa kampo ni Derek at GMA 7 management.
Siniguro kasi ng Kapuso management na maging maayos ang gagawing paglipat ni Derek, walang aberyang maiiwan lalong-lalo na sa aalisan niyang network noon na TV 5. Kahit na hindi pa man pumipirma noon ng kontrata ay updated pa rin si Derek sa plano ng GMA7 sa kanya tulad na lang ng isang proyektong kanyang gagawin agad pagkatapos niyang pumirma.
At sa nasabing first project ni Derek ay si Andrea Torres ang kanyang magiging kauna-unahang leading lady sa GMA7, sa ‘The Better Woman’. Sexy plus hunk, siguradong aapaw ng kaseksihan sa unang proyekto ni Derek.
Paano kaya ito pinaghandaan ng actor? Say ni Derek, excited siyang makasama na si Andrea noong nalaman niyang ito ang ipapareha sa kanya at dahil dito, sinabi ng actor na ini-stalk niya si Andrea sa pamamagitan ng pag-follow niya sa social media ac-count ng actress. Dahil sa kaseksihan ni Andrea, na-challenge din si Derek at talagang pinaganda ang katawan sa gym at pati na ang kulay ng balat para makatapat sa alindog ng bagong leading lady.
Pagdating naman sa pagiging Kapuso, inamin ni Derek na ang programang ‘Eat Bulaga’ ng Siyete ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para pasukin na ang showbiz. Una nga raw nabigyan ng magandang exposure sa telebisyon si Derek sa panghapong programa na ito ng GMA7 bago pa man makilala nang husto sa ABS-CBN at maging TV 5 talent.
GLAIZA DE CASTRO NAGPAALAM NA SA GMA 7
WALA pang teleseryeng gagawin si Glaiza de Castro sa Kapuso Network pagkatapos ng “Contessa”. Ayon sa actress, choice raw niya ito at nagpaalam na siya sa Kapuso Network na aalis siya ng bansa papuntang London upang mag-aral doon ng music production.
Aalis ng bansa si Glaiza ng July kung kaya mabibitin lang ang teleseryeng gagawin niya sa GMA7. Kung kaya bisi-bisihan si Glaiza sa mga movies na tinatapos niya ngayon pati na rin sa guesting sa GMA7. Nagkaroon siya ngayon ng guest role sa ‘Sahaya”.
Say pa rin ni Glaiza, first love niya talaga ang musika, kung kaya gustong-gusto niyang ma-level up pa ang kanyang kaalaman pagdating sa musika. Tsikang dahil daw sa boypren niyang taga-Europa ang dahilan kung bakit aalis pansamantala ng bansa si Glaiza, hirap daw kasi ang long-distance relationship nila dahil na rin sa time difference ng dalawang bansa, gabi sa Pinas umaga sa Europa. Kadalasan tulog ang isa, gising naman ang isa. Effort daw ng husto ang kanyang boypren para magkaroon sila ng commu-nication.
Say ni Glaiza, nagkataon lang daw na tagaroon sa London ang kanyang boypren at walang konek ang relasyon nila sa pagpunta niya sa naturang bansa.
Comments are closed.