ANG Araw ni Bonifacio ay ang taunang pagdiriwang ng kapanganakan ng rebolusyonaryong si Andres Bonifacio. At ang araw na ito ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30.
Kilalang araw o kapistahanng araw ng mga bayani natin ay ang araw ng kanilang kamatayan, ngunit ang kay Bonifacio ay iba sa lahat sapagkat kapwa kababayan natin ang pumatay sa kanya at hindi pa tukoy kung si Emilio Aguinaldo nga ba ang nagpapatay sa kanya.
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala natin si Andres Bonifacio bilang “Ama ng Rebolusyon” sa Filipinas. At si Bonificio ay gumawa rin ng tula na pinamagatang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, ito ay kanyang ginamit para himukin ang mga Filipinong maging makabayan.
Sa makabagong panahon natin ngayon, marami sa atin ang tinatawag na “Andres”? Sila ngayon ang itinuturing na bagong bayani ng kani-kanilang kabiyak at mga anak. Dahil taglay nila ang gawaing inaakala mong sa mga asawang babae mo lang makikita. Taas noo silang makikita sa kanilang tahanan na naglalaba, namamalantsa, at nagluluto ng masarap na ulam. Astigin man silang ituring sa kanilang teritoryo ay malambing naman silang nakikita pagdating sa pamilya. Mabuhay ka Andres.
Comments are closed.