ANG BAGONG BIDA SA SERBISYO NG BROADBAND INTERNET

JOE_S_TAKE

ANG pagkakaroon ng internet ay maituturing nang isa sa pangunahing pangangailangan sa kasalukuyan. Hindi kagaya dati na kung sino lamang ang may kayang makapagbayad para rito, ‘yun lamang ang mayroon. Ang pagbabagong ito ay maiiugnay sa pagiging moderno ng teknolohiya sa ating bansa.  Bunsod ng patuloy na paghahanap ng mga konsyumer ng mga naka-bundle na uri ng mga serbisyo, isang bagong kompanya ang umusbong sa merkado upang matugunan ang pangangailangang ito.

Ako ay mula sa henerasyon ng mga ‘baby boomer’ at aminado ako na hindi ako masyadong mahusay kung modernong teknolohiya ang pag-uusapan, kasama na rito ang tinatawag na ‘internet of things’ (IoT). Ito ay mabilis na nagbibigay sa mga konsyumer ng mga kinakailangan nilang impormasyon mula sa iba’t ibang digital na plataporma.

Isang bagong kompanya na nagbibigay ng serbisyo ng internet at payTV ang bagong lahok sa industriya. Layunin nitong makapagbigay ng end-to-end na uri ng serbisyo sa mga konsyumer sa pamamagitan ng teknolohiya ng fiber optic. Muli, hindi ako magpapanggap na eksperto sa teknikal na aspeto ng bundled na serbisyong ihahatid nito sa bawat konsyumer. Ngunit ayon sa anunsiyo at pahayag nito, tila hindi na ako makapaghintay na masubukan ang kanilang mabilis at maaasahang serbisyo ng internet.

Ang kompanyang aking tinutukoy ay ang RED Broadband. Ito ay bunga ng pagsasama ng Cignal TV at Radius Telecoms. Layunin ng kompanyang ito na makapaghatid ng serbisyo na unlimited na fiber broadband at payTV sa tahanan ng bawat pamilyang Filipino.

Napapanahon ang naging pagpasok ng RED Broadband sa industriya dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Kasalukuyang napakatindi ng pangangailangan ng mga konsyumer sa  mabilis at maaasahang serbisyo ng internet dahil sa pagpapatupad ng online class at work-from-home na setup ngayong panahon ng pandemya.

Marahil ay maraming konsyumer ang magtatanong kung ano ang pagkakaiba ng RED Broadband sa mga kompanyang nauna rito sa bansa.

Ang Radius Telecoms, Inc. ay buong pagmamay-ari ng Meralco. Ito lamang ang nag-iisang kompanya ng telekomunikasyon na naghahatid ng end-to-end na uri ng serbisyo ng fiber optic sa bansa.

Kagaya ng ibang pagsososyo sa negosyo, ang matibay na pagsasama at synergy ang susi sa tagumpay. Kaya naman ang Cignal TV, ang isa sa mga nangungunang kompanya sa bansa na nagbibigay ng serbisyo ng Direct-to-Home satellite, na may 120 na channel kasama ang free-to-air, SD, and HD channel, ay nakipagtulungan sa Radius Telecomms upang maihatid ang pinakamahusay na serbisyo ng fiber broadband at payTV sa tahanan ng bawat Pilipino sa bansa sa abot-kayang halaga.

Sa pagsasanib-puwersa  ng dalawang nasabing kompanya, ang mga potensiyal na customer ay makasisiguro na makakakuha ng mahusay at mataas na lebel ng serbisyo, operasyon, at kalidad pagdating sa kanilang serbsiyo ng internet.

Sa opisyal na paglulunsad ng RED Broadband, ang mga pinuno ng Cignal at ng Radius, kasama sina Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President at CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President at CEO Robert P. Galang, Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz at Cignal TV CFO John L. Andal, ay dumalo upang pasinayaan at gawing opisyal ang kasunduan.

Naniniwala si Delgado na ang pagsasama ng dalawang kompanya ay magiging kapaki-pakinabang sa grupo dahil sa pagka-karoon ng pagkakataon na mabigyan ng serbisyo ang mga lugar na dati’y hindi naaabot nito.

Nakasisiguro rin si Delgado na mayroong mga konsyumer na nangangailangan ng higit sa isang provider. Ito ay dahil ang serbisyo ng internet ay isa na sa pinakaimportanteng bagay para sa mga nagtatrabaho at nagpapatakbo ng negosyo. Importante rin ito para sa mga paaralan at mga mag-aaral dahil sa ipinapatupad na mga online classes habang hindi pa nasusugpo ang pandemyang COVID-19. Ang pagkakaroon ng higit sa isang provider ay isang pangkaraniwang bagay na sa panahon ngayon.

Bunsod ng kahalagahan ng serbisyo ng internet sa kasalukuyan sa ating pang-araw-araw na buhay, naniniwala si Delgado na ang mga konsyumer ay lubos na nangangailangan ng provider na may kakayahang makapagbigay ng mahusay na serbisyo ng internet na hindi pa nararanasan ng mga ito.

Sa kalagayan ng kompetisyon sa pagitan ng mga provider sa merkado, may lugar pa para sa bagong kalahok lalo na kung ang bagong kompanyang ito ay desididong makapagbigay ng mahusay at mataas na antas ng serbisyo sa abot-kayang halaga. Naniniwa-la si Delgado na ang RED Broadband ang makapaghahatid ng serbisyong ito. RED Broadband ang may serbisyong magbibigay ng kakaiba at positibong karanasan sa mga konsyumer.

Ang RED Broadband ay nagsisilbing alternatibo sa mga konsyumer na maaaring makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mas abot-kayang halaga. Maaaring makapili ang mga customer ng uri ng base plan na naaayon sa kanilang pamumuhay. May opsyon din ang mga ito na magbago ng plan ng serbisyo na naaangkop sa kanilang badyet at pangangailangan.

Para sa baby boomer na gaya ko na talagang mas sanay sa tradisyonal na pamamaraan, nais kong maranasan ang 3-in-1 na serbisyo ng RED Broadband na maghahatid ng mabilis at maaasahang internet na may kasamang TV plan at serbisyo ng streaming application ng Cignal TV, ang Cignal Play.

Sa panahon ngayon na maraming bagay, kasama ang trabaho ng maraming tao, ay ginagawa sa pamamagitan ng internet, malaking tulong sa pagtaas ng lebel ng pagiging produktibo ng isang empleyado ang pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabilis at maaasahang internet, maaari itong magbukas ng oportunidad sa ibang tao na makapagtrabaho kahit nasa bahay lamang. Makatutulong ito sa pagbaba ng antas ng unemployment sa bansa na nakitaan ng pagtaas dahil sa pandemya.

Ang pagpasok ng RED Broadband sa merkado ay maaaring makapagdulot ng magandang epekto at makatulong sa muling paglago ng ating ekonomiya. Ito ay magbubukas ng oportunidad sa maraming konsyumer. Makatutulong din ito sa pagpapaganda at pagpapahusay ng sistema sa mga negosyo at mga opisina lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Comments are closed.